This topic contains 3 replies, has 1 voice, and was last updated by : 15 years, 2 months ago.
-
AuthorPosts
-
November 21, 2005 at 9:25 AM #22323
siyanga pala.. ang kuwentong inyong nabasa ay aking idinidi-dikit sa gobicol love-teams most especially kay Alloy and Borj… haayyy… nakakakilig ang kanilang kuwentuhan….. :-)———
Iyo baga! -
November 21, 2005 at 9:16 AM #22320
Whispers
(by my friend Che Pascual and Me)do you hear the chorus of the nymphs
the lyric voices of the woods that heal the spirit
do you bathe in the warm breeze
a generous surprise on one winter morning
do you see the rainbow that never leaves its sky
leading you to the pot of gold that sits on your lap
how bout the butterflies that paints the flowers love
and the sweetest kiss bestowed in the lightest flutter
do you feel the earth shift a little
as it playfully turns its back on the sun
or even just from a smile carelessly given
by a soul that never ceases to enchant
do you fatom the depth of the silent water
or wonder if it is ever lonely
do the pebbles that occasionally dance through it
or the gentle ripples by the wind suffice
do you hear this heart’s beating
or is it just silence?———
Iyo baga! -
November 21, 2005 at 9:09 AM #22318
Walang Titulo
(by Moises Eric)naririndi ako sa lakas ng tahimik na tinig
na umaalingawngaw sa kung saan man
gusto kong magtago sa silid at isara ang pintuan
baka sakaling maibsan ang tulirong isipan
Di ko matunton kung saan nagmumula ang tinig
maging ang larawan na gumuguhit sa aking isipan
hindi ko maintindihan
ikubli ko man sa palad kahit piliting talikuran
bakit ba ganyan?
bakit hindi kayang ianod sa tubig
dili kaya sa paglango ng alak
o itulog na lang
bakit sa tuwing gigising sa umaga
ay hindi ko maikaila, bitbit pa rin sa isip ang mga alaala
Gusto kong magpatianod sa agos ng tubig sa ilog,
marating ang pusod ng dagat
at doon sa gitna ng kawalan, habang tahimik na hinihintay ang pagsilip ng
buwan
ay sisigaw ako’t hihingi ng kapangyarihan
lalakad sa tubig, aawit, iindak sa saliw ng mumunting huni ng isda
na sinasabayan ng koro ng nagdaraang pulutong ng ibon
sa musikang katha ng hanging amihan, at ng tubig na
walang humpay sa kanyang pag-alon
makikiusap ako sa hangin na ako ay turuang lumipad
hahanapin ko ang tinig na hanggang ngayon ay di ko alam kung saan nanggaling
gusto kung lumipad ng mataas, pataas ng pataas
at sa aking pagbagsak, bubulusok ako ng mabilis, pabilis ng pabilis———
Iyo baga! -
November 21, 2005 at 9:06 AM #22317
‘Maraming dahilan, pero ang dahilan ko ay ikaw’
May 03, 2005
Updated 09:08pm (Mla time)
Marian Hernandez
Inquirer News ServiceYung dulo ng nisnis mong pantalon, sumasayad na naman sa lupa, sinta. Humahalik sa suka at alikabok ng Pasay. Ayokong nadudumihan ka, ni ang pantalon mo o kamiseta.
Kung hindi mo dadamputin ang pantalon mo sa tuhuran, ako ang gagawa niyan. Pang-ilang baybay na nga ba natin ‘to sa gilid ng Edsa? Sanlibong crispy fries at tasa ng gravy na yata ang nakalilipas. Mainit ang panahon at masukal ang daan, pero ang napapansin ko ay ang tagaktak ng aspi-aspileng pawis sa noo mo’t pagdulas-dulas ng aking palad sa pasmado mong kamay.
Napansin ko ang sikat ng araw sa sentido mo at kung paano niya patuluin ang pawis sa hibla-hiblang buhok ng iyong kilay. Maraming araw na rin tayong nanumbalik sa ganitong yugto. Ngunit hindi ako nagsasawa sa nag-aagaw puti at itim na sementong tinatapik ng ating mga sapatos, para bang tayo’y nagsasayaw sa musikang tayo lamang ang nakaririnig.
Kakain tayo mamaya sa kung saan may maki o pansit o siomai. Magtatagpo ang ating mga kamay sa panalangin. Nakayuko nang taimtim habang ang paroo’t-parito ng mga tao sa paligid ay pupuna sa ating mumunting katahimikan.
Dama ko ang pakikinig mo sa mga salitang binibitiwan ko. Sapat nang kasalo ka sa pagdarasal, mahal, kahit hindi na malasap ang siomai sa hapag. Kapag taimtim tayo sa piling ng Panginoon, hindi ako mapakali’t makapaghintay sa araw na Siya mismo ang tatahi sa ating dalawa.
Pero sa ngayong hindi pa tayo sumasayaw sa tunog ng kampana at kaluskos ng pakpak ng mga kalapati, ipagkakasiya ko ang sarili sa eksenang ating kinabibilangan ngayon. Kahit pa pagkain lang ito ng tanghalian sa isang hapong namumukadkad ang araw.
Ikaw ang nagturo sa aking ipitin ang magkayapos na kahoy sa gitna ng aking ngipin at bigla-biglang hilahin ito para mas sakto ang paghihiwalay ng dalawang stik. Para maiwasan ang mga salubsob na maaaring sumingit sa balat ko habang chinochopsticks ko ang ating paborito.
Ngiti at biro
Alam mo, ang sarap mo panoorin kahit ano pa ang ginagawa mo. Kahit yung maingat mong paghalo sa wasabi at Kikkoman. O yung pag-balanse mo ng hipon sa pagitan ng chopsticks, mula sawsawan hanggang sa bibig na bahagyang nakaawang.
Kahit paulit-ulit nating harapin ang ungol at hinagpis ng siyudad Pasay, alam kong susukob lang ako sa mga ngiti at biro mong tayo lang ang nakakaintindi. Alam kong sa ganon lang, nagsasa-paraiso na ang dati’y abuhin at magulong mundo ng siyudad.
Hindi ko mabilang ang mga araw na binulungan ko ang Diyos para alagaan ka higit pa sa makakayanan kong gawin. Ikaw ang nagturo sa akin na hindi sapat ang pag-ibig lang. Ngunit hindi rin masama na umapaw ito. Tulad ng pag-apaw nito sa ating mga labi, daliri, balat, titig, ugat, salita at ngiti.
Ikaw lang ang nakatagpo sa tunay na ako. At hindi ka umatras o nangahas lumayo, lalo ka pa ngang lumapit para tignan pa ako nang malinaw, sinta. Mas malinaw sa inakala mo’y malinaw nang pagkilala mo sa akin.
Ikaw ang nakakaalam ng bawa’t hibla ng aking pagkatao, dahil sa’yo, hindi ako natatakot. Hindi ko lang ramdam ang pagmamahal, alam ko pa ito. Alam na alam. Kilalang-kilala. Tulad ng pagkilala ko sa mga kakulangan mong hindi bumabawas sa’yo, bagkus lalo pang dumaragdag sa iyong kagandahan.
Sa iyong pagsubok na mapabuti ang iyong sarili para sa akin, lalo kong inaasam yapusin ang natitirang pagkamusmos diyan sa loob mo. Para bang sinasabing hindi mo kailangan maging perpekto. Sasamahan kita. Magkasalo tayong babaybay, hindi lang ng Edsa, kundi pati ang mga susunod pang lakbayin ng ating pagsasama.———
Iyo baga! -
AuthorPosts
You must be logged in to reply to this topic.