Forum  Photos  Videos   Groups  News  Events  Users  Bicolano Achievers  Home 


Hello, Guest [Sign In / Join NOW! ]

Bakit may mga ibang tao na may inggit?

Message 1 of 1 : 3
Tambayan / Lobby » Bakit may mga ibang tao na may inggit? »


  Jul 14, 2008 06:52 AM  
Zhy
Sabi nga nila “The Root Cause of EVIL ACTS IS ENVY”
INGGIT- ay isa sa mga mapanirang damdamin na maaring taglayin ng isang tao laban sa kanyang kapwa. Ito kasi ang nagtutulak sa kanya upang magnais ng di maganda sa kapwa. Ang mga taong inggitera o inggitero ay sobrang saya kapag ang kanyang kapwa ay dumaranas ng kasawiang palad o kamalasan.
Alam nyo ba na ang inggit ang pinakamakasalanan at pinakamasamang pag-uuugali ng isang tao? Ito ang nag-uugat kung bakit ang tao ay nakakagawa ng hindi maganda sa iba. Kapag umiral na sa utak at puso mo ang inggit wala ka ng alam ibang gawin kundi ang manira at hilahin ang iba pababa para bumagsak sila at pag nangyari ito tuwang-tuwa ka naman- ito yung tinatawag nilang CRAB MENTALITY.
At kung ikaw naman ay klase ng teenager na walang ibang ginagawa kundi ang magkwento ng masama laban sa iba, ikaw naman ay isang BACKFIGHTER. Kung ganyan ka sa inyong school eh napakapangit nun at wala ka lalong magiging kaibigan kapag ganun ang attitude mo sa buhay.
Lahat ng makikita mo ay mga temporaray friends di sila magiging tunay sa iyo dahil sa nakikita nilang ugali mo. Magiging takot na sila dahil alam nila na darating ang araw na sila naman ang sisiraan mo pag di nakaharap sayo. Isa pang halimbawa ng may inggit sa katawan ay ang mga taong mahilig makipag-isnaban o yung tinatawag na UNFRIENDLY. Ganun din sa mga tao na kung magsalita ay non-sense o nakakasakit ng kapwa yung tipong NAGPAPARINIG.
Ano nga ba ang dapat gawin para huwag tayo mainggit?
Subukan ninyong gumawa ng mga “POSITIVE THINGS” tulad ng paggising ninyo sa umaga magpa salamat kayo sa DIYOS para sa lahat ng bagay.
Mag-isip ng mga magagandang bagay para sa inyo at sa kapwa. Subukang gawing POSITIVE palagi ang takbo ng inyong isispan. Alam kung mahirap pero kahit ako ay pinipilit kung magawa yan sa araw-araw.
Matuto rin kayo na mag sikap sa sarili kahit sobrang hirap ng buhay sana wag kayong mawalan ng pag-asa. Harapin at tulungan ang sarili na gayahin at tularan na lamang ang mabubuting halimbawa na ginagawa ng umasensong kinaiinggitan nyo. Sikapin ninyo ding maging masaya at huwag ng mamuhi sa kapwa nyo na umaangat ang buhay. Huwag ng pag-aksayahan ng oras ang pakikipag-away o paggawa pa ng di maganda sa iba para lang masira o mapabagsak nyo ito.
Ang lahat ng masamang plano at iniisip laban sa iba ay non-sense lang at magsasayang ka lang ng oras, wala ka namang magandang mapapala dito bukod sa mag-aaksaya ka lamang ng iyong oras sa pakikipag-away o paggawa ng di maganda sa iba para lang masira mo sila. At higit sa lahat ay wala kang magandang mapapala dito at magkaka-wrinkles ka pa.
Tandaan na mas masarap ang feeling kapag maraming tao ang natutuwa sa iyo at kapag maraming kang kaibigan. Pinaka-importante sa lahat ay madaming blessings ay dumarating parati sa iyo. May kasabihan na “Kung ano ang ginagawa mo sa kapwa mo ganoon din gagawin sayo.” Kaya kahit alam kung napakahirap ay sana subukan natin na makagawa tayo ng mabuti sa ating kapwa.

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 14, 2008 09:56 AM  
Jason
for me..para nde maiingit sa iba.. start appreciating yourself instead of others.. kasi as what ms zyra said "POSITIVE THINGS" like thanking God for giving you another day in living your life..next is to thank yourself..say gud things about you.. like "Im beautiful!" or how valuable you are to the society or if you think youre not, think of the good things you can do.. ok lang kahit buhatin nyo sarili nyong bangko.. no one could stop you.. coz you know yourself better than anyone here..feel how special you are to others...by doing this you might feel less envy to others...

cheers;

---- xXx --- http://jasonbatalla.99k.org

I want to change the world, but they won't give me the source code.

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 14, 2008 03:49 PM  
Thumbelina

Hindi mo na yan maiiwasan Miss Zhy, lalo na maganda ka, mabait, matalino at successful.. Parating may maiinggit sau.. sila yung feeling perpekto.. Minsan kahit turuan natin silang wag mainggit, talagang likas na sa kanila yun di na mababago. The best way na lang na gawin ng mga kinaiinggitan ay ngitian mo sila, tawanan mo na lang at magpatuloy ka, maging successful ka pa, titigil din sila, mapapansin din nila na hindi nila kayang abutin ang naabot mo... Kahit saan makakakita ka nyan, basta go on, pakita mo sa kanila na dahil sa inggit nila, mas lalo kang umaangat.

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  



Pinoy Radio | Filipino Clothing | Filipino T-Shirts