Forum  Photos  Videos   Groups  News  Events  Users  Bicolano Achievers  Home 


Hello, Guest [Sign In / Join NOW! ]

Kanser Ng Lipunan

Message 1 of 2 : 20
Government and Politics » Kanser Ng Lipunan »


 1    2     Next >  
  Jul 03, 2007 08:37 PM  
AnikaD
"Inibig kong maisakalat ang di pa inibig gawin ninuman. Iniulat ko ang aming kalagayang panlipunan,
mga sariling pamumuhay, pananalig, pag-asa, lunggati at karaingan. Inalisan ko ng takip sa mukha
ang pagbabanal-banalan na nagpahirap at nagpalagay sa aming parang mga hayop. Inilantad ko
ang kasamaan na nagkukubli sa kalakhan at sa karingalan ng aming pamahalaan. Inilarawang kong buo
ang aming mga kamalian, mga masasamang-hilig, mga kapintasan at aming banal na pagsang-ayon sa mga
kahirapang di-maiiwasan.

Ngunit hindi ko tinangisan ang aming mga kasawian. Sa halip nito’y akin pa ngang pinagtawanan.
Ang pagtawa ang siyang lalong mabuting paraan upang maikanlong ang mga kahirapan."
(Bahagi ng sulat ni Dr. Jose Rizal kay Dr. Blumentritt)

Sa sulat na ito ni Rizal na kung saan ay kanyang inilalahad ang dahilan at layunin ng kanyang
inakdang Noli Me Tangere, malinaw niya ring ipinahiwatig kung ano ang kanyang nagin reaksiyon
matapos niyang masuri at matukoy nang husto ang sakit na kumakalat sa buong katawan
ng Pilipinas noon, ang kanser ng lipunan. Ilang daang taon na ang lumipas mula ng gamitin niya
ang sakit na "kanser" bilang angkop na pangtukoy, hanggang sa ngayon - taong 2007 - ay wala
pa ring matuklasan ang mga makabagong teknolohiya ng iba't ibang bansa para masugpo at
malunasan ang sakit na ito. Kaya't hindi ko masisisi ang ating pambansang bayani kong maging
ang isang tinaguriang Doktor na katulad niya ay walang nagawa kundi ang tumawa na lamang.

Subalit isa sa mga lubusan kong hindi maunawaan ay kung bakit hanggang sa ngayon na wala
na ang mga prayle, mga kastila, amerikano at hapon...ay patuloy pa rin ang paglaganap ng
naturang sakit sa ating bayan...at hanggang sa ngayon ay nagmumukha at nagpapalagay sa
atin na parang mga hayop sa kahirapan. Marami sa atin ang nabubuhay sa basurahan.

Ngunit ano pa, ngayong wala na ang isang dakilang doktor na magsusuri at titingin sa ating
kalagayan. Ang isang nobelistang magsusulat ng ating mga dalamhati at pagkabigo. Ang isang
mag-aakda na gigising sa ating mga puso at kaloobang kailanman ay hindi magpapa-api.

Magkagayunman, nais ko paring iparating na tayo ay nasa mas malubhang
karamdaman na hindi inabot ng kaalaman ni Rizal sa panahong iyon upang matukoy at marampatan ng lunas.
Siya na rin ang nagsabi na ang pagtawa ay upang "maikanlong" lamang at hindi upang mabigyan
ng lunas ang kahirapan. Subalit ako'y hindi isang bayani na kawangis ni Rizal, at lalong hindi isang doktor
na makapagpapaliwanag ng ating karamdaman. Kung tutuusin, ako'y isang hamak na mekaniko lamang
na kung ihahambing ang ating kalagayan sa isang sasakyan, masasabi kong ang ating mga puso at utak
ay punong-puno na ng kalawang.

Hanggang ngayon ay umaasa tayo ng labis-labis sa ating gobyerno na walang ginawa kundi ang magbulsa
ng pawis at dugo ng bayan, hayaan na natin ang mga damulag na yan. Alam kong sa bandang huli ay
kakailanganin natin ang suporta ng ating gobyerno upang tayo ay umunlad at maka-ahon sa kahirapan,
ngunit ano nga ba ang magagawa natin gayung talamak na pangungurakot at kasamaan sa ating pamahalaan.
Hindi ko sinasabi na tulad ng iba ay dapat nating isuko ang ating mga kaisipan at maging praktikal,
bagkus ay nais kong iparating na dapat ay mag-isip at maghanap tayo ng paraan upang mapaunlad ang
ating sarili kahit na sa kabila ng pagka-walang silbi ng ating pamahalaan.

Lubusan tayong naghirap dahil sa pananakop ng mga mapang-alipustang dayuhan. Ngayong
wala na ang mga dayuhan, labis parin tayong naghihirap dahil sa pagkadusta ng mga nasa pamahalaan.
Ang pagkawala ba ng pang-aabuso sa pamahalaan ay sapat na upang malunasan ang kasalukuyan
nating kahirapan? Ang sagot ko ay, hindi. Hindi hangga't hindi natin makuhang linisin ang kalawang
sa ating mga puso at isipan upang malayang makapag-isip ng mga makabago at makabuluhang paraan at kaalaman.




“When i get sad, i stop being sad and be AWESOME instead. True story.”
(Barney Stinson)

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 04, 2007 02:21 AM  
Josee

Tulad mong isang Mekaniko ako'y isa ring hamak na mangangalkal ng mga lumang sistema ng sa gayo'y linangin at
muling pagyamanin at muling maiangkop sa mga makabagong teknolohiya....ang mga susunod na talata ay sarili ko lang na
pananaw o paglalahad batay sa aking kaunting nalalaman at nauunawaan...mura pa ako sa usaping ito....

Sa sulat na ito ni Rizal na kung saan ay kanyang inilalahad ang dahilan at layunin ng kanyang
inakdang Noli Me Tangere, malinaw niya ring ipinahiwatig kung ano ang kanyang nagin reaksiyon
matapos niyang masuri at matukoy nang husto ang sakit na kumakalat sa buong katawan
ng Pilipinas noon, ang kanser ng lipunan. Ilang daang taon na ang lumipas mula ng gamitin niya
ang sakit na "kanser" bilang angkop na pangtukoy, hanggang sa ngayon - taong 2007 - ay wala
pa ring matuklasan ang mga makabagong teknolohiya ng iba't ibang bansa para masugpo at
malunasan ang sakit na ito. Kaya't hindi ko masisisi ang ating pambansang bayani kong maging
ang isang tinaguriang Doktor na katulad niya ay walang nagawa kundi ang tumawa na lamang.


malalim ang sugat ng Pilipinas at nasa bawat Pilipino ang hinahangad
nitong pagbabago. Ang maruming administrasyon at mahinang ekonomiya ay mga
sintomas lang ng tunay na sakit ng mismong mga mamamayan. Sandamakmak na hirap pa
ang darating sa atin kung sintomas lang palagi ang titignan natin. Masiglang
mamumuhay ang kanser sa lipunan hanggang hindi natatanggal ang tumor na nasa
utak ng bayan.


Sa unang kabanata ng El Filibusterismo sa pagkakalarawan nya sa Bapor Tabo. Inilarawan ni Rizal
ang pisikal na katangian ng bapor. Tinukoy din niya ito bilang “nagkukunwang maputi,maharlika at kapita-pitagan.”
dito ay kakikitaan si Rizal ng pagiging dirikta sinisimbolo ng bapor ang kalunos-lunos na Estado ng kolonya noong
panahon ng mga Espanyol. Gayon din, ang nais talagang ipahiwatig ni Rizal ay ang Pilipinas ay isang kolonyang hindi ganap,
hindi nagbabago, hindi buo at hindi mapasusubalian at ang maipagmamalaki lamang upang maipakitang umuunlad ito ay ang
isang pahid ng pintura.Ang bapor umano ay maihahalintulad sa Pilipinas, na tigib ng kabulukan at kahinaan ng estado na
anumang oras ay maaring “palubugin” ng isang pag-aalsa.

Si Rizal ay hindi lamang pintor ng mga salita, siya rin ay isang matalinong taong may mithiin –
at iyon ay magmulat at magbunsod ng mapagpalayang kaisipan. Kung kaya naman sa kanyang nobela, sa kanyang pagsasalarawan
ay hinahabi niya na sa kanyang mga salita ang kasaysayan ng Pilipinas, na hindi naisusulat, nararamdaman subalit
hindi binibigyang pansin na siyang nagiging sanhi ng patuloy problema ng bansa.


Subalit isa sa mga lubusan kong hindi maunawaan ay kung bakit hanggang sa ngayon na wala
na ang mga prayle, mga kastila, amerikano at hapon...ay patuloy pa rin ang paglaganap ng
naturang sakit sa ating bayan...at hanggang sa ngayon ay nagmumukha at nagpapalagay sa
atin na parang mga hayop sa kahirapan. Marami sa atin ang nabubuhay sa basurahan.

Ayon sa mga dalubhasa, nasa kritikal na kalagayan ang ating bayan. Ang katotohanang ito ay hindi itinanggi -
maging ng Pangulo ng bansa. Noong a-30 ng Disyembre 2002, sa kanyang natatanging talumpati, walang takot niyang
inihayag ang kawalan niya ng interes tumakbo sa panguluhan sa nagdaang halalan. Kasabay ito, ng pag-amin na ang
Pilipinas ay isa sa pinakamahirap at pinakamahinang bansa sa Asya. Ito ay dulot na rin ng masalimuot na sitwasyong
pulitikal at pang-lipunan na makikita sa napakalaking agwat ng pamumuhay sa pagitan ng mayaman at ng mahirap.

Umabot na sa US$322 milyon ang ating “trade deficit” samantalang “negative” US$783 milyon naman ang ating balance
nung nakaraang taon. Ibig sabihin, mas malaki ang ating gastos kaysa sa ating kita.

Sa taong 2010, ang populasyon ay tinatayang aabot ng 100 milyon. Kung hindi mapapabuti ang ating bayan o kung mas
lumalala pa, hindi malayong ang Pilipinas mahanay sa Bangladesh o baka mas mahirap pa.


Hanggang ngayon ay umaasa tayo ng labis-labis sa ating gobyerno na walang ginawa kundi ang magbulsa
ng pawis at dugo ng bayan, hayaan na natin ang mga damulag na yan. Alam kong sa bandang huli ay
kakailanganin natin ang suporta ng ating gobyerno upang tayo ay umunlad at maka-ahon sa kahirapan,
ngunit ano nga ba ang magagawa natin gayung talamak na pangungurakot at kasamaan sa ating pamahalaan.
Hindi ko sinasabi na tulad ng iba ay dapat nating isuko ang ating mga kaisipan at maging praktikal,
bagkus ay nais kong iparating na dapat ay mag-isip at maghanap tayo ng paraan upang mapaunlad ang
ating sarili kahit na sa kabila ng pagka-walang silbi ng ating pamahalaan.

Isa-isahin natin ang naglalakihan: ang IMPSA Deal, ang proyektong President Diosdado Macapagal Boulevard (PDMB);
Philippine International Air Terminals Co. (PIATCO); Judicial Development Fund (JDF); Telephone Franchise Scam;
PCSO scam. Atbp.

Sa kalagayan ngayon ng Pilipinas kung saan iniuugnay ang kurapsyon sa gobyerno at ang paglaganap ng krimen,
ang mabuting pamamahala na may pananaw at karanasang magpatupad ng batas at kayang pamunuan ang proseso ng pagdedesisyon
at ipatupad ang anumang napagdesisyunan.

Hangga’t hindi nabubuwag ang magkakambal na kasamaan na “katiwalian at krimen”, maging ang pinakamahuhusay na planong
pangkaularan ay hindi kailanman maipapatupad ng maayos. Ang magkakambal na kasamaang ito ay hindi magagapi kung hindi
magpapakita ng mabuting halimbawa ang pinakamataas na pinuno ng bayan, kung wala siyang tapang at determinasyon para
magtagumpay at kung hindi niya nauunawaan ang mga bagay-bagay tungkol sa bansa at sa pamahalaan. Mahalagang nalalaman
niya ang mga detalye sa pagpapatakbo sa burokrasiya. Dapat ay mayroon din siyang kakayahan na suriin at pag-aralan ang
iba’t-ibang opinyon upang makagawa ng desisyon. Dapat din siyang magkaroon ng kakayahan sa isang epektibong
pakikipag-ugnayan. Ngunit ang pinakamahalaga sa lahat ay dapat niyang maipatupad ang mga desisyong ito nang
naaayon sa batas at kaya niyang labanan ang mga lumalabag dito. Sa madaling salita, siya ay may dedikasyon sa
interes at kapakanan ng ating bansa.


Josee in Photography http://joseegb.multiply.com/photos


  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 14, 2007 08:23 AM  
AnikaD

Ang isipan ng bawat isa sa atin ang dapat linangin ng ating mga sarili. Namumuhay tayo sa
isang hindi kanais-nais na kinalalagyan na kung saan ay nakuha na rin nating ibagay ang ating
mga pagnanasa at kaisipan ayon sa kung ano ang ating nararamdaman at kung ano ang nasasaksihan
ng ating mga mata at tainga. Anu pa at ang ating mga sarili...na sa halip na mag-isip at magsumikap
na magampanan ang isang makabuluhang bagay...ay natutong mangurakot at maging tamad kasing tulad
ng kung ano ang ating nakita at nasaksihan sa mga damuhong dayuhan na nagpapasasa sa pawis
at dugo ng ating mga mamamayan. Lumisan man ang mga dustang taga-ibang bayan, sa ating
mga puso at kalooban ay nakuha nilang mag-iwan ng bakas at aninag ng kanilang kasamaan.
Hindi ba't kaya hindi natin magawang umunlad ay sapagkat tayo ang siyang naging salamin ng kanilang
mga karumaldumal na asal...na siya ring sumasamsam sa kung ano man ang kanilang natira sa
ating naghihikahos na sambayanan?

Kailangan natin ng mahusay at mabuting pinuno ng bayan subalit hindi sapat ang isa o dalawa lamang.
Kung talagang tunay at likas ang ating kakayahan at katangian bilang isang mabuting mamamayan,
ang pinuno ay siyang nagpapatupad lamang ng kung ano ang nais at hinahangad ng ating bayan.
Walang magaling na pinuno kung walang magaling na hukbo. Tayo ang simula at dahilan ng ating mga
kasawian at tayo narin ang tumanggap at gumawang umakma sa kung ano ang naging bunga ng
ating mga kabiguan. Dinungisan natin ng putik ang ating mga kalooban at mga kasuotan upang bumagay
sa putikang ating kinalulugmukan.

"Ang kabataan ang siyang pag-asa ng bayan." Sapagkat tanging ang mga bata lamang ang may
kakayahang magtanong at mag-isip kung bakit ganito ang ating kinalalagyan. Ang mga matatanda ay
nasanay na sa ganitong kalagayan at natuto naring humatak at isubsob ang ilan sa sarili nilang
kasamahan.




“When i get sad, i stop being sad and be AWESOME instead. True story.”
(Barney Stinson)

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 15, 2007 05:13 PM  
Josee

Ang Kanser ng Lipunan ay nag-ugat na sa Pilitical Dynasty, pasalin-salin, paulit-ulit. Mula sa kaninuninuhan hanggang sa
kaapuapuhan. Kapit tuko, nasa dugo na ng mga pulitikong mauutak ngunit walang puso na ang tanging napapala natin ay mga
relief goods na ipinamomodmod ng mga ito tuwing may camera, mga walang katapusang imbestigasyon, ang walang
kahihinatnang mga diskusyon sa radyo, ang walang awat na turuan sa dyaryo. Sa kabuhayang hinahanap ng mga tao DOLE OUTS ang
sagot ng Gobyerno. SUMUSULAK ANG AKING DUGO.

Napakahirap lunukin pero kahit si Rizal ay di rin tinantanan ang bahaging ito. Isiniwalat nyang lahat hindi upang laitin ang
bansang Pilipinas kundi upang ipaalam na malubha ang sakit nito at kailangan ang tulong MO.
Sa malapitang tingin paano na nga ba namumuhay ang Pilipinas?

Kailangan momg mag OFW para mapaaral ang mga anak. Kong hindi ka mabibiktima ng illigal recruiter at makauwi ka ng buhay
at matiwasay, swerte.

Samantala ang iba nating kababayang hindi kasing palad ay nagtitinda ng sariling kidney, ang iba ay naging fulltime contestants
sa game shows at lottery. Ang mga teacher kailangang magtinda, ang mga pulis kailangang mangutong, ang mga nurse kailangang
mag abroad, ang namimilikula kailangang gumawa ng basura para kumita.

May mga nang aagaw ng cellphone, may mga namimike ng CD, may mga nangingidnap, may nagtutulak ng droga, may nagtitinda ng
aliw may nagnanakaw ng takip ng manhole, may nangungupit ng pondo, may tumatakbong public official, may nag aartista.

Ang mga bata ay nagkalat sa kalye, nagtitinda ng segarilyo, sampaguita, sweepstake, dyaryo at minsan pati sariling laman.
Ang mga mapangarap ay nandurukot ang mga tamad ay humuhithit ng solvent.

Ano man ang trabaho mo, kailangan mong dumaan sa lubak-lubak, binabaha, mausok at matrapik na kalye araw-araw. Kong hindi ka
maholdap sa dyep ng mga bandido o pulis, swerte.

Walang toilet paper ang mga pampublikong palikuran, nakatira ka sa isang bansa na kong saan maraming presidente, kong saan
ang pangangampanya ay nag uumpisa tatlong taon bago ang halalan, kung saan tatlong taon ang halalan, kong saan ang artista ang
pulitiko at ang pulitiko'y sirkero, kung saan ang mismong mga sinador ay paulit-ulit na nanakawan ng kotse.

Ang taong bayan ay bumuboto sa kandidatong gusto nilang pag silbihan. Ang basihan ng pagpili ay ayon sa kasikatan ng kandidato,
sa kabutihan ng papel na ginampanan nya sa isang pilikula, sa ganda ng kanyang ngiti o sa kaawa-awa nyang estado.

Ang mga pinonong bayan ay masipag sa mga proyektong inumpisahan isang buwan bago ang halalan. Natapos man, kasalukuyang
inuumpisahan o pinapangarap pa lang nakalista na ang isang project bilang achievement sa mga ipinapakalay nilng fliers tuwing
eleksyon. Ang kaakmaan nila sa posisyon ay nakasalalay sa kakayanan nilang kumanta, kumain ng nakakamay, makipag kaibigan sa
mga religious leader na kapwa nila pulitiko.

Ang mga kumikitang pilikula ay yong tungkol sa itlog, kangkong, gatas, pinya at talong. Ang mag dyep at bus ay himihinto kahit
saan at kahit gaano katagal. May mga nagtatapon ng basura sa kalye, umiihi sa pader, nagtitinda sa bangketa at nagtatayo
ng kubo kahit saan. Ang mga muhon ay ginigiba, ang mga kagubataan ay kinakalbo, ang mga probinsya walang hospital, ang mga
hospital walang bulak, ang mga eskwelahan walang upuan ang mga sundalo'y butas ang combat shoes.

sa bawat selebrasyon ng bagong taon may mga bagong biktima ng ligaw na bala, paulit-ulit walang nadadala. Laging may
kakatwang traffic volume reduction scheme kong saan para lumuwag ang daan ay pinagbabawal ang sasakyan.

Laging may kurakot na presidenting iniluluklok at sinisipa. Laging may gustong gumahasa sa konstitusyon. Laging may ginagawang
batas na hindi naman ipinapatupad. Laging may mga pilikulang hindi mapag disisyonan kong bastos o masining. Laging may
estudyanying nagbubuwis ng buhay sa hazing. laging may bumabagsak na helekopter, laging walang manifesto, walang lesinsya,
overloading at maraming violation ang mga barko pero lagi ring walang alam ang mga kinauukulan hangga't walang nadedesgrasya.

Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations pag oras na ng sisihan. Paulit-ulit....ulit.....ulit. Walang
nadadala, walang nasususlosyonan. Kong totong ganito ang Pilipinas di ko na makukuha pang tumawa....gusto ko ng matulog.


Tulog na
Sugarfree

Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo.
Tulog na mahal ko
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema.


Josee in Photography http://joseegb.multiply.com/photos


  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 15, 2007 05:52 PM  
Rod

Napakaganda ng topic na ito. Saludo po ako sa inyong dalawa sa pagtalakay ng mga problema sa ating bansa. Ipagpatuloy po ninyo ang inyong kuro kuro para sa mga kabataan na hindi alam kung ano ang nangyayari sa Pilipinas. Sana maunawaan nila kung gaano laganap ang kanser sa ating bansa at harinawa ay may mga politiko na makabasa nito at makapagbigay ng aral at opinyon para mapabuti ang kinabukasan ng ating bansa.

"AKING ADHIKA,

MAKITA KANG SAKDAL LAYA"

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 16, 2007 10:53 AM  
Whoa ":"

Malaman at makatotohanan ang inyong mga pahayag G. Josee at Dayu.. subalit ang tanong ko,
..ay bakit tayo ganyan? Di naman natin masasabi na tayo ay likas na ganyan dahil sa ibang bansa tayo ay kumikilos ng marangal, sumusunod sa batas at naghahangad ng mabuti para sa kapwa? ay para Bakit hindi natin(mayoryang Pilipino) magawa ang maging mabuti sa sarili at sa ating kapwa? Ano ang pumipigil sa atin(mga Pilipino) na maging ganap na mabuting tao sa ating sariling bayan?

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 16, 2007 11:47 AM  
nolz "kitz"

Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo.
Tulog na mahal ko
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema.

  • Pano ko matulog..nasa malayo ang mahal ko.Laging gising ang diwa ko sa kaiisip sayo.
  • Hindi ko kama ito.Hindi ko bahay ito.Bakit ako nandito?
  • Di ba Pilipino ako.Ano ginagawa ko sa disyerto?
  • Bakit ikinahihiya ko na Pilipino ako?Di nman naiiba ang kulay ko.
  • Malambot nga ang kama ko.
  • Subalit bakit parang laging babangungutin ako?
  • May kanser na ang INA ko datapwat natatawa pa kayo.
  • Di ba dapat punahin natin ito?dahil magkapatid tayo?
  • Bakit tila mas nahihiya pa tayo?Samantalang sila itong magnanakaw,hindi tayo.
  • Matutulog pa kaya ako?
  • O sadyang pagod na ako.........Pagod na nga ako......
  • Pagod na pagod na............Kailangan ko na magpahinga..Ipagdarasal na lang kita
  • Aking INA

everything is a mystery........camel

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 16, 2007 08:50 PM  
Andy "loy"

Konting patalastas lang mga kaibigan... hehe

"Do not do unto others what you don't want others do unto you."

Batangueño translation: "Wag kayong gay-an, kung maggagay-an kayo..... wag gay-on."

I can do all things through Christ who strenghtens me. - Philippians 4:13

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 17, 2007 03:25 AM  
AnikaD

? ":"

Malaman at makatotohanan ang inyong mga pahayag G. Josee at Dayu.. subalit ang tanong ko,
..ay bakit tayo ganyan? Di naman natin masasabi na tayo ay likas na ganyan dahil sa ibang bansa tayo ay kumikilos ng marangal, sumusunod sa batas at naghahangad ng mabuti para sa kapwa? ay para Bakit hindi natin(mayoryang Pilipino) magawa ang maging mabuti sa sarili at sa ating kapwa? Ano ang pumipigil sa atin(mga Pilipino) na maging ganap na mabuting tao sa ating sariling bayan?

Sadya kayang likas na sa atin ang pagiging huwad...sa isip sa salita at sa gawa.
O dili kaya'y mahusay tayong magpanggap at umangkop sa kung ano ang nasa ating
paligid na para bang tayo ay isa sa mga uri ng kamelyon na hindi mo kaagad-agad
mapupuna sa isang pagkurap o pagkusot ng mata. Kung tutuusin, ito ay isa sa mga
kakayahan na maaari nating gamitin sa isang makabuluhang bagay, ngunit ang
tanging nagiging pakinabang lamang nito sa kasalukuyan ay kung tayo'y napapadpad
sa ibang bayan.

Nakukuha nating sundin ang sa dayuhang alituntunin. Nagagawa nating pagsilbihan
ang kanilang mga pangangailangan. Maging ang mga bagay na hindi natin kinamulatan
noong tayo ay isinilang, ito'y nagagawa nating lunukin at ituring na parang kailan lang
ay isa sa mga bahagi ng ating pang-araw-araw na pamumuhay. Nagagawa natin ito
dahil sa ating pagsasakripisyo para sa kinabukasan ng ating mga anak, para sa
ikabubuhay ng ating mga magulang, at para sa ikakapagpalalo ng ating mga
mapang-abusong kapatid, kaibigan at kababayan. Naghahalo sa ating mga dugo ang
pagkaapi bilang mga alila sa ibang lupa at ang pagkapalalo bilang mga mapang-abuso
sa ating sariling bansa.

Mayroong ipinagkakatulad ang isang OCW na marunong sumunod sa pamantayan
ng bansang kanyang kinalalagyan, sa isang basurerong sa Smokey Mountain na
naninirahan. Pareho sila wala sa tamang lugar, ngunit naroon sila at umaangkop sa
kapaligiran dahil naroroon ang pinagmumulan ng kanilang kabuhayan.

Kung sana'y namumuhay tayo sa ating sariling bansa na ang karamihan sa mga
mamamayan ay sumusunod sa batas at walang nilalabag na alituntunin, ang ating
isipan ay madaling masasanay sa ganitong pamumuhay at tayo'y magiging marangal
katulad ng ating magandang asal sa labas ng ating bayan. Subalit ano pa....at ang
madalas nating nakikita sa paligid ay halos puro kasamaan, pagkagahaman at
pagdurusa....ang mga ito'y naging pang-araw-araw na nating tanawin...hanggang
sa tayo ay paikot-ikot na lamang at hindi na makuhang bumangon mula sa bangungot
na dulot ng ating mga kasalanan. At hanggang sa ngayon... ang ating inang bayan
ay nag-aagaw buhay....sa pagkakaratay sa kanser na sakit ng kanyang lipunan.





“When i get sad, i stop being sad and be AWESOME instead. True story.”
(Barney Stinson)

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 17, 2007 11:53 AM  
Whoa ":"

Malinaw na sinasabi at pinapatunayan ni G. Dayu na ang asal ng tao(pagpapakatao) ay
sunod sa pag-angkop sa kapaligiran o lipunan na kanyang ginagalawan. Kung ano ang ginagawa
at sinusunod ng mga tao sa isang lipunan ay gayun din ang gagawin ng iba kung sakaling sila ay
mapadpad rito. Kung ang isang bansa ay may disiplina, pagpapahala sa kapwa at kumikilos ng
may karangalan ay gayun din ang inaasahang gagawin ng taong makikisali sa lipunang ito. Bagama't
may kaunting reserbasyon, ako ay sumasang-ayon dito.

Ngunit bakit eto sira o nasisira? Ano ang sumisira sa lipunan? Maari pa kaya itong maayos?
Paano? Kailangan bang makialam para ito ay baguhin o hayaan na lamang ang ebolusyon ang siyang
magdala sa kanyang kaganapan?

Seryoso ba ang mga Pilipino?

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 17, 2007 03:30 PM  
AnikaD
Kayo po'y nakikinig sa Uragons Republic at kami'y magbabalik makalipas lamang ang ilang paalaala.


main(){
(wizard == Manoy Rick)? printf("Take this as a joke.") : printf("Sorry, fafa!");
exit(GoBicol);
}

P.S.
Ala, eih! Kayrae mo nang tanong. 'Wag kang gay'an.
Kung maggagay'on ka, sa susunod ay may bayad na.
Mararatsada tayo ni LP, ang ginoong nakasalpak ngay'on
sa silya elektrika na gilingan ng kapeng barako.
(pasok, kasamang Andy loy!)





“When i get sad, i stop being sad and be AWESOME instead. True story.”
(Barney Stinson)

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 17, 2007 11:38 PM  
Leo Peter "LP"
@dayu....bitin manoy...no thrill....si facundo an nakasalang ngunyan.....

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 18, 2007 06:25 AM  
AnikaD
Mang Josee

Ang Kanser ng Lipunan ay nag-ugat na sa Pilitical Dynasty, pasalin-salin, paulit-ulit. Mula sa kaninuninuhan hanggang sa
kaapuapuhan. Kapit tuko, nasa dugo na ng mga pulitikong mauutak ngunit walang puso na ang tanging napapala natin ay mga
relief goods na ipinamomodmod ng mga ito tuwing may camera, mga walang katapusang imbestigasyon, ang walang
kahihinatnang mga diskusyon sa radyo, ang walang awat na turuan sa dyaryo. Sa kabuhayang hinahanap ng mga tao DOLE OUTS ang
sagot ng Gobyerno. SUMUSULAK ANG AKING DUGO.

Napakahirap lunukin pero kahit si Rizal ay di rin tinantanan ang bahaging ito. Isiniwalat nyang lahat hindi upang laitin ang
bansang Pilipinas kundi upang ipaalam na malubha ang sakit nito at kailangan ang tulong MO.
Sa malapitang tingin paano na nga ba namumuhay ang Pilipinas?

Maging si Rizal ay hindi naging sang-ayon sa isang pag-aalsa. Ayon sa kanya ay "hindi pa handa
ang Pilipinas". Marami ang kanyang isinaalang-alang bago siya humantong sa ganitong agam-agam.
Isa sa mga madaling matukoy dito ay ang kadahilanang kulang sa kakayahan at armas ang bayan.
Wala itong i-uubra sa makabagong sandata at malulusog na guwardiya sibil at mga kastila.
Ngunit ang higit na nagliliwanag sa aking pag-iisip ay ang pangambang maaring sumagi sa kanyang
pagmumuni-muni bago niya tuluyang tapusin ang kanyang huling nobelang El Filibusterismo
sa isang makabagbag damdamin at kalunus-lunos na wakas. Ang pangambang ito ay ang pag-aalala
sa sasapitin ng bayan kung sakaling ito'y lumaya man at magkaroon ng kasarinlan.

Nabigo siyang pigilin ang pag-aalsa ng bayan. Nabigo siyang ipahiwatig ang tunay niyang
mensahe sa mamamayan. At higit sa lahat, nabigo siyang mailayo ang Pilipinas sa tunay niyang
pinangangambahan...hanggang sa ang kanyang kinakatakutan...ay naging isang katotohanan sa kasalukuyan.

Walang tapat na magiging pinuno ang Pilipinas. Walang tapat na maglilingkod sa bansang inaapi
ng mga dayuhan. Ang tanging nasa puso at isipan ng mga itinuring na Indiyo ay pagkasuklam at paghihiganti.
Na kung sakali man na makamit nila ang kalayaan, pagkatapos ng pagpupunyagi at pagdiriwang
ay hindi na alam ang susunod na hakbang. Ang isang hamak na magsasaka ay hindi kayang magpatakbo
ng pamahalaan, ang isang alipin ay hindi kayang gumuhit ng estraktura ng mga gusali at patubigan.
Kulang o salat sa talino at kaalaman ang mga mamamayan upang makabuo ng isang mahusay na plano
sa pagsalakay at isang magiting na panukala para sa ika-uunlad ng bayan.

Nagawa ni Rizal na sindihan ang pusong naapi upang ito'y mag-alab sa tapang at magdulot
ng himagsikan. Ngunit hindi niya nakuhang paglinangin ang pag-iisip at kalooban ng bayan,
upang maparami ang mga utak na tutulong sa kanya upang pagyamanin ang inalipustang bayan.
"Ang kabataan ay ang pag-asa ng bayan." Sapagkat ang mga Indiyo ay pinagkaitan ng
tunay na edukasyon at wagas na kabanalan, na naging dahilan upang sila'y maging sunud-sunuran
at walang kakayahan. Ang kanilang mga magulang ay dapat na magtiis, habang itinatanim nila sa
kanilang mga anak ang edukasyon at kabutihang sa kanila'y ipinagkait. Hanggang sa ang kanilang
tanim ay lumago at magkaroon ng bunga, hanggang sa ang talim ng iwinawasiwas nilang mga sandata,
ay nagmumula sa talis ng kanilang talino at kaalaman...at nag-uugat sa kaibuturan ng kanilang
mga puso at dangal.

“Nasaan ang kabataang naglalaan ng magagandang sandali, ng kanilang mga pangarap at kasiglahan
alang-alang sa ikabubuti ng kanilang bayan ? Saan naroon ang handang magpakamatay
upang hugasan ng dugo ang napakaraming pagkakasala? Upang karapatdapat ang pagpapakasakit
ito’y kailangang malinis at busilak. Nasaan ang kabataang may lakas na tumanan na sa aming mga ugat,
ng kalinisan ng diwa na narumihan na sa amin, ng apoy ng sigla na patay na sa aming puso?
O kabataan, kayo’y aming hinihintay!”
(Ang bulong ni Padre Florentino sa bangkay ni Simoun, isang sipi sa nobelang El Filibusterismo.)





“When i get sad, i stop being sad and be AWESOME instead. True story.”
(Barney Stinson)

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 18, 2007 02:13 PM  
AnikaD
Mang Josee

Kailangan momg mag OFW para mapaaral ang mga anak. Kong hindi ka mabibiktima ng illigal recruiter at makauwi ka ng buhay
at matiwasay, swerte.

Samantala ang iba nating kababayang hindi kasing palad ay nagtitinda ng sariling kidney, ang iba ay naging fulltime contestants
sa game shows at lottery. Ang mga teacher kailangang magtinda, ang mga pulis kailangang mangutong, ang mga nurse kailangang
mag abroad, ang namimilikula kailangang gumawa ng basura para kumita.

May mga nang aagaw ng cellphone, may mga namimike ng CD, may mga nangingidnap, may nagtutulak ng droga, may nagtitinda ng
aliw may nagnanakaw ng takip ng manhole, may nangungupit ng pondo, may tumatakbong public official, may nag aartista.

Ang mga bata ay nagkalat sa kalye, nagtitinda ng segarilyo, sampaguita, sweepstake, dyaryo at minsan pati sariling laman.
Ang mga mapangarap ay nandurukot ang mga tamad ay humuhithit ng solvent.

Ano man ang trabaho mo, kailangan mong dumaan sa lubak-lubak, binabaha, mausok at matrapik na kalye araw-araw. Kong hindi ka
maholdap sa dyep ng mga bandido o pulis, swerte.

Walang toilet paper ang mga pampublikong palikuran, nakatira ka sa isang bansa na kong saan maraming presidente, kong saan
ang pangangampanya ay nag uumpisa tatlong taon bago ang halalan, kung saan tatlong taon ang halalan, kong saan ang artista ang
pulitiko at ang pulitiko'y sirkero, kung saan ang mismong mga sinador ay paulit-ulit na nanakawan ng kotse.

Ang taong bayan ay bumuboto sa kandidatong gusto nilang pag silbihan. Ang basihan ng pagpili ay ayon sa kasikatan ng kandidato,
sa kabutihan ng papel na ginampanan nya sa isang pilikula, sa ganda ng kanyang ngiti o sa kaawa-awa nyang estado.

Ang mga pinonong bayan ay masipag sa mga proyektong inumpisahan isang buwan bago ang halalan. Natapos man, kasalukuyang
inuumpisahan o pinapangarap pa lang nakalista na ang isang project bilang achievement sa mga ipinapakalay nilng fliers tuwing
eleksyon. Ang kaakmaan nila sa posisyon ay nakasalalay sa kakayanan nilang kumanta, kumain ng nakakamay, makipag kaibigan sa
mga religious leader na kapwa nila pulitiko.

Ang mga kumikitang pilikula ay yong tungkol sa itlog, kangkong, gatas, pinya at talong. Ang mag dyep at bus ay himihinto kahit
saan at kahit gaano katagal. May mga nagtatapon ng basura sa kalye, umiihi sa pader, nagtitinda sa bangketa at nagtatayo
ng kubo kahit saan. Ang mga muhon ay ginigiba, ang mga kagubataan ay kinakalbo, ang mga probinsya walang hospital, ang mga
hospital walang bulak, ang mga eskwelahan walang upuan ang mga sundalo'y butas ang combat shoes.

sa bawat selebrasyon ng bagong taon may mga bagong biktima ng ligaw na bala, paulit-ulit walang nadadala. Laging may
kakatwang traffic volume reduction scheme kong saan para lumuwag ang daan ay pinagbabawal ang sasakyan.

Laging may kurakot na presidenting iniluluklok at sinisipa. Laging may gustong gumahasa sa konstitusyon. Laging may ginagawang
batas na hindi naman ipinapatupad. Laging may mga pilikulang hindi mapag disisyonan kong bastos o masining. Laging may
estudyanying nagbubuwis ng buhay sa hazing. laging may bumabagsak na helekopter, laging walang manifesto, walang lesinsya,
overloading at maraming violation ang mga barko pero lagi ring walang alam ang mga kinauukulan hangga't walang nadedesgrasya.

Mahirap magpatupad ng batas, pero madali maghanap ng violations pag oras na ng sisihan. Paulit-ulit....ulit.....ulit. Walang
nadadala, walang nasususlosyonan. Kong totong ganito ang Pilipinas di ko na makukuha pang tumawa....gusto ko ng matulog.


Tulog na
Sugarfree

Tulog na mahal ko
Hayaan na muna natin ang mundong ito
Lika na, tulog na tayo.
Tulog na mahal ko
Wag kang lumuha, malambot ang iyong kama
Saka na mamroblema.

Kung gaano kabigat ang pagdurusa, na sa iyong akala ay dinaranas ng ating
inang bayan, ay ganoon nga kalubha ang sakit na kanyang nararamdaman.
Kung gaano katindi ang pinsala, na sa iyong tingin ay inihasik ng mga makasalanan,
ay ganoon nga kabangis ang dala nilang lason at kapangahasan. At dahil na rin mismo
sa ito'y iyong nababanaag at namamalayan, dahil sa ikaw na mismo ang
nakakaramdam ng mga kapighatian, nararapat mong isaalang-alang na ang kaaway
ay nandirito na sa'yo mismong tahanan. Ngayon, kaibigan...makukuha mo pa rin
bang ipikit ang iyong mata at matulog na lamang?

Ah! at ang iyong diwa sa pag-idlip ng iyong katawan, ay mamumulat sa katotohanang
ika'y nag-iisa na lamang. Ang iyong paligid ay kinulayan na ng kasamaan; ang iyong
mga kamag-anak, kapatid, at kaibigan, ay napapabilang pala sa mga hindi makatwiran.
Ah! at sa pag-ikot ng mundo ay naging baluktot ang iyong isipan. Ang makisig mong
katawan, sa lakas ay naubusan; ang magiting mong paninindigan, ay nauwi sa
pagbibingi-bingihan at pagbubulag-bulagan.

Malayo pa ang ating lalakbayin, marami pa ang lagim na ating tatahakin. Ang landas
na napili ng ating ina ay isang dambuhalang patibong na naghulog sa kanya.
Ang lumalala nating problema, ang tumitindi nating pagdurusa, ang nauubus nating
pag-asa, ang lumulubha nating pagkakasala, ang naaagnas nating konsensiya,
ang lumalaki nating kabuktutan, ang kumakalam nating tiyan, ang nilalangaw nating
isipan, ang nabubulok nating katwiran, ang makasarili nating kaisipan....lahat lahat
nang iyan ay nabuo dito sa ilalim ng hukay na ating kinahantungan. Ah! at maging
ang ilan sa atin ay nakuhang dito na mahimlay, maglatag ng kama at dito na manirahan.

Gumapang ka kung kinakailangan...upang mabawi ang lakas na naubos sa ating
paglalakbay. Huwag mong ipikit ang iyong mata na para bang ika'y pagod na sa pagtugis
ng katotohanan. Hayaan mong ika'y matumba sa pagod at pagdurusa...kung ito ang
magbibigay ng lakas sa natitira nating pag-asa.





“When i get sad, i stop being sad and be AWESOME instead. True story.”
(Barney Stinson)

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  
  Jul 18, 2007 03:02 PM  
Whoa ":"

Ngunit paano mangangatuwiran at ano ang ikakatuwiran? At anong landas ang tatahakin?
Pareho na ba nating nakalimutan o sadyang di talaga natin alam? Paanong nabulok kung
kahit kailanman hindi ito nahinog? At paano ito mahihinog samantalang hindi naman ito
naging bunga?

Saan pupunta?

  Reply     Top     Bottom     Emoticons  

 1    2     Next >  


Pinoy Radio | Filipino Clothing | Filipino T-Shirts