|
ANG TUNAY NA ARAL AT KAHULUGAN NG KUWENTO NI SARAI AT NI AGAR Sa mga tunay na Kristiano at sa mga sumasampalataya sa Dios na ipinakikilala ng Biblia, ang kuwento ni Sarai at ni Agar ay isa sa mga mahahalagang dapat matutunan o maunawaan ang aral at kahulugan nito.Huwag po sana tayong magpapadala o maniniwala sa mga nagsasasabi na ang Biblia daw ay immoral, "Many (if not all) Christians believe that the Bible is the written word of God. All the moral rules and values are written in the Bible. But if you read the Bible you will find there are verses and verses of moral examples that in todays standard we consider to be highly immoral." Sa mga taong mababa ang tingin sa mga nagsulat ng Biblia, "The Bible is written by people(mostly men) with little or no education, who has very little understanding of Science, Mathematics and our natural world. In fact I doubt if any of these men can do mathematics better an average 7 year old child of today." And that the Bible is easy to understand, "The Bible is not as difficult to understand as you think or lead to believe. Anybody who can read literature can understand Bible stories. Like Blues Clues said, the interpretations are implicit in many stories..." And for him what makes the Bible especial are the stories which are absolutely condemnable. The one thing that makes the Bible special are these stories... absolutely condemnable stories. And has a simple paragraph that is self explanatory, "Sa tingin ko ay napaka-simple ng mga talata,.. please don't insult the peoples intelligence. Those are simple and self-explanatory..." We will prove that the Bible is not that simple, and that you cannot simply interpret it the way you want., because that will surely bring you to damnation, gaya ng sinasabi sa 2 Pedro 3:16 Gayon din naman sa lahat ng kaniyang mga sulat, na doo'y sinasalita ang mga bagay na ito; na doo'y may ilang bagay na mahirap unawain, na isinisinsay ng mga di nakaaalam at ng mga walang tiyaga, na gaya rin naman ng kanilang ginagawa sa ibang mga kasulatan sa ikapapahamak din nila. Ipakikita natin kung gaano kaligaw ang kanyang interpretasyon sa pagtuturo ng Banal na kasulatan. Here are some of his dirty self explanations about the story of Sarai and Agar. "Si Abraham, Sarah at ang pagmamaltrato kay Hagar" Ngayon si Sarai, asawa ni Abraham ay wala pa ring anak pero siya ay merong katulong na babae -- isang Egyptian na ang pangalan ay Hagar. Hmmmnnn... mukhang naaalala ko ang ilan sa ating mga OFW's na domestic helpers. This story looks familiar... ituloy natin... At sabi ni Sarai kay Abram, "Hindi pa rin ako pinahihintulutang magka-anak ng panginoon, ako'y nanalangin, sipingan mo ang aking katulong at ng ako ay magkaroon ng anak sa pamamagitan niya. (talagang mapilit itong si Sarai) at siyempre pa.. sumunod naman si Abram, nakinig sa pakiusap ni Sarai at nakipag-happy-happy kay Hagar.. At ibinigay ni Sarai ang kanyang maid na si Hagar upang maging kabit Abraham na tumira sa Canaan ng sampong taon. At nagloving-loving si Abram at Hagar at sa kabutihang palad ay sinuwerte at naka-boo. Ngunit ng makita ni Sarai na nabuntis si Hagar siya ay nagselos...sabi nya.. Ako'y nagkamali Abram, ibinigay ko ang aking katulong sa iyo upang iyong maging kabit, ngunit ng siya ay mabuntis siya ay nagselos sa akin. (hello!... buntis si Hagar,.. ni hindi makareklamo yung kawawang babae.. at ngayon na buntis na siya naturalmente kailangan niya ang proteksyon ng ama ng kanyang dinadala.. ok ka lang Sarai... di ba gawa-gawa mo ang lahat?... ooops nadala ako dun ah..) This is very sickening part of the story. Di ko akalain na ang ama ng pinakamalalaking relihiyon sa boong mundo ay magagawa ang ganito. Matapos ang lahat, matapos niyang gamitin si Hagar at magbunga ang kaniyang pagkalalaki ay eto na naman, tatakbo na naman sa kanyang responsabilidad itong si Abraham. Remember, nung nangaganib ang kayang buhay sa Egypt ay ginamit nya si Sarai para siya maligtas... at ngayon eto na naman, tatakbuhan ang responsibilidad nya kay Hagar, at isinisi at ibinigay na naman ang responsibilidad kay Sarai... mukhang alanganin yata ang moralidad nitong si Abram...may pagkaduwag talaga.. no wonder, kaya niyang isakripisyo si Isaac na kanyang anak.. Sa kabila ng lahat, eto pA ang naging hustisya ni Hagar. Sa kabila ng mga ginawa sa kanya ng kanyang mahalay na mga amo ang sabi ng anghel ng Diyos.. Hagar bumalik ka sa iyong amo at pasakop ka sa kanila. (Pantay-pantay nga ba ang tingin ng Diyos ng Bibliya sa mga tao?...).. at hindi lang yun.. ang sabi ng anghel, ikaw ay magkakaroon ng anak na lalake at tatawagin mong Ishmael... "and he will be a wild man"... good luck Hagar naawa sa'yo ang Diyos at ginawang wild ang iyong anak... that is the best God of the Bible can do for you... your son becomes a wild man,.. kawawang Hagar... tsk.. tsk.. tsk.. at doon naman sa mga OFW natin na mayroong katulad na karanasan (wag naman sana), ipagpaumanhin po ninyo... mukhang hindi ninyo makakamit sa example na ito ng Bibliya ang Hustisya... And finally his conclusion, Yes "Rey", I find this stories highly immoral...and I will never allow my children to learn from stories like this... tell us, what moral story can you get from this example? Yan! Ganyan po ang interpretasyon ng taong walang gabay ng Espiritu, at nakakalungkot din na may mga taong para sa kanila tama ang ganitong interpretasyon, huwag nawang mangyari sa atin! Totoong kung hindi sa tulong at awa ng Dios ay hindi natin lubos na mauunawaan ang Kaniyang mga salita. Kung tayo'y magpapasakop sa Dios at magpapaturo kung ano po ba talaga ang tunay na aral at kahulugan ng nasabing kuwento, ganito po ang pagtuturo ng Biblia, ayon po kay San Pablo sa kanyang sulat sa Galacia 4: 22-26 Sapagkat nasusulat, na si Abraham ay nagkaroon ng dalawang anak, ang isa'y sa aliping babae, at ang isa'y sa babaeng malaya. Gayon man ang anak sa alipin ay ipinanganak ayon sa laman, ngunit ang anak sa babaing malaya ay sa pamamagitan ng pangako. Ang mga bagay na ito'y may lamang talinghaga: sapagka't ang mga babaing ito'y dalawang tipan; ang isa'y mula sa bundok ng Sinai, na nanganganak ng mga anak sa pagkaalipin, na ito'y si Agar. Ang Agar ngang ito ay bundok ng Sinai sa Arabia, at it'o'y katulad ng Jerusalem ngayon: sapagka't ito'y nasa pagkaalipin kasama ng kanyang mga anak. Ngunit ang Jerusalem na nasa itaas ay malaya, na siyang ina natin. No man in his own capacity would be able to explain and tell the meaning of the story like this, except if he is under the guidance of Holy Espirit, likeSt Paul, that the mother of Christianity is the Jerusalem above ( not Mary like the Catholic priest said, I'm sorry for the catholics but that is not true.) In the first place how would we (ordinary man) know that in heaven there exists also another Jerusalem? But we are lucky that God revealed this thing to holy men, like St Paul; Efeso 3:3 Kung paanong sa pahayag ay ipinakilala sa akin ang hiwaga, gaya ng isinulat ko na nang una sa ilang salita. Sa mga nagbabasa po ng thread na ito, masasabi ko po na ang karunungang pang-lupa ay hindi sapat upang lubos nating maunawaan ang salita ng Dios! Oh ang mga nakasulat sa Biblia, maaring ikaw ang pinakamatalinong tao pero kung hindi ka magpapasakop sa Diyos, kailanman ay hindi tayo bibigyan ng pang unawa sa kaniyang mga salita. (1Cor. 1:6) Gayon man ay nagsasalita kami ng karunungan sa mga may gulang: bagama't hindi ng karunungan ng sanglibutang ito, o ng mga may kapangyarihan sa sanglibutang ito, na ang mga ito'y nangauuwi sa WALA: Mahalaga na matanggap natin ang espiritung nagmumula sa Dios upang magkaroon tayo ng pang unawa. (1Cor.2:10-14) Ngunit ating tinanggap, hindi ang espiritu ng sanglibutan, kundi ang espiritung mula sa Dios; upang ating mapagkilala ang mga bagay na sa atin ay ibinigay na walang bayad ng Dios. Na ang mga bagay na ito ay atin namang sinasalita, hindi sa salitang itinuturo ng karunungan ng tao, kundi sa itinuturo ng Espiritu; na iwinawangis natin ang mga bagay na ayon sa espiritu sa mga pananalitang ayon sa espiritu. Ngunit ang taong ayon sa laman ay hindi tumatanggap ng mga bagay ng Espiritu ng Dios; sapagkat ang mga ito ay kamangmangan sa kanya; at hindi niya nauunawa, sapagka't ang mga yaon ay sinisiyasat ayon sa espiritu. Ang instrumento na ginagamit sa pang unawa sa salita ng Dios ay ang espiritung nagmula din sa Dios, at ang unawa ay ipinagkakaloob ng Dios, (Santiago 1:6 ) Ngunit kung nagkukulang ng karunungan ang sinoman sa inyo, ay humingi sa Dios, na nagbibigay ng sagana sa lahat at hindi nanunumbat; at ito'y ibibigay sa kanya. Salamat sa Dios sa kanyang mga kaloob na hindi masayod!!
GLORY BE TO THE GOD OF ABRAHAM, ISAAC AND JACOB!! www.esoriano.wordpress.com www.untvweb.com www.angdatingdaan.org
|