Sa mga minamahal po namin GB Members:
Dahil po sa naging matagumpay at maraming sumubaybay at natulungan sa kanilang mga suliranin sa puso’t pag-ibig ang programang “Serbisyo Publiko – Ang Lab Korner ni Tita Recs” ng ating butihin Tita Recs.
Minarapat po natin magbukas ng isa na naman programa na magbibigay suliranin lahat ng meron mga problema sa kanilang mga health like dun sa mga nangangati ang kanilang mga paa ng dahil sa alipunga, naglalakihan ang kanilang mga bilbil dahil hindi tamang pagkain, malalambot ang kanilang mga muscles dahil hindi mahilig sa gatas, hindi matigas ang kanilang mga ulo dahil sa malambot nga ito at mga madalas sumakit ang kanilang mga puson para lalong sumakit ito.
Sana tangkilikin n’yo po itong bago natin programa at higit sa lahat sana makapagbigay ito ng suliranin sa inyong mga problema at hinihangad po namin na mapaligaya kayo sa mga malungkot nyong buhay sa mundong ibabaw.
Ang inyong lingkod
Dra. Margarita “Recca” Holmes