“Isdashalasanansens” ni Arnold Clavio.. Ano ang paghuna nindo?

This topic contains 2 replies, has 2 voices, and was last updated by  Anonymous 14 years, 11 months ago.

Viewing 3 posts - 1 through 3 (of 3 total)
  • Author
    Posts
  • #19690


    Anonymous

    Matagal ko nang iniisip ito. Help naman. Pakisagot nga:
    1. Does Jennifer Love Hewitt?
    ^^^HINDI PO KASI NAWAWALA SI JENNIFER AT HINDI MATAGPUAN NI MOMMY NI HEWITT.

    2. Where did Vincent Van Gogh?
    ^^^SIYA PO AY PUMUNTA SA TALYER UPANG IPAGAWA ANG VAN.

    3. Is Marvin Gaye?
    ^^^ OPO! SIYA PO AY MEMBER NG VIVA H2o HOT GAYS.

    4. Why is Norman Black?
    ^^^ KASI PO IPINAGLIHI SIYA NG NANAY NYA SA PAGKAKAIN NG ULING.

    5. Where did Sandara Park?
    ^^^ SA LOYOLA MEMORIAL PARK PO.

    6. Is Chong Yung Fat?
    ^^^ PAYAT PO SIYA DAHIL ON DIET.

    7. What did Henry Sy?
    ^^^ YONG MGA SALESLADYNG NAGBIBIHIS.

    8. Why is Alonzo Mourning?
    ^^^ DAHIL NAPATAY PO ANG KUKO NYA SA PA-A NG MAAPAKAN NI O’NEAL.

    9. Is Lucio Tan?
    ^^^ HINDI PO….WALA NGA SIYANG T.I.N. DAHIL SIYA PO AY TAX EVADER.

    10. When will Orlando Bloom?
    ^^^ KAPAG NAHAMOGAN SIYA NG HAMOG NG ARAW.

  • #19689


    Anonymous

    Matagal ko nang iniisip ito. Help naman. Pakisagot nga:
    1. Does Jennifer Love Hewitt?
    ^^^^ HINDI
    2. Where did Vincent Van Gogh?
    3. Is Marvin Gaye?
    4. Why is Norman Black?
    5. Where did Sandara Park?
    6. Is Chong Yung Fat?
    7. What did Henry Sy?
    8. Why is Alonzo Mourning?
    9. Is Lucio Tan?
    10. When will Orlando Bloom?

  • #19687


    bicolano
    Participant

    “Isdashalasanansens” ni Arnold Clavio

    As a fatter of max! Mga ‘igan, noon pang dekada ’70 tinanong ‘yan ni Pugo.
    Si Pugo? Isang icon, legend, alamat, haligi, idol, dakilang komedyante at kalbo ng pelikulang Pilipino.
    Di ninyo pa gets? Ka-partner ni Tugo.
    Give na give na ha? Ang makaalala, may premyo sa akin. (‘Yung nasa text scam.)
    At hanggang ngayon nga kapag may parang anay na kumukutkot sa aking bumbunan, lagi kong naririnig na bumubulong sa akin si Pugo.
    “Isdashalasanansens?”
    Transition President daw si Kabayan Vice President Noli de Castro? Isinusulong ng Black and White Movement ‘yan. Iba kapag may kulay.
    Tuwing gigising kaya si Kabayan ay napapangiti siya at napapapalakpak ang tainga? Abot kamay na lang kasi niya ang Malacañang. At kailangan lang niya ay magpa-kyut sa magkabilang panig.
    Padalhan mo kasi vice ng litson araw-araw si Ate Glo bilang pagpapakita ng suporta at di ka pagbintangan na namamangka ka sa dalawang kanal.
    ‘Ika nga, pareho rin kasing mabantot, mapa-administrasyon o oposisyon.
    “Isdashalasanansens?”
    Binigyan ng hanggang November 30 ng Black and White Movement si Kabayan para magdesisyon na mag-withdraw ng suporta kay PGMA. Kung hindi, black and blue siya. Madilim ang gabi, bayan! Hehehe!
    Huwag daw siyang bigyan ng deadline. Natataranta ba? Sa December 1 na lang daw.
    At paningit. “Special or Snap Elections” naman ang isinusulong ng ilan. Constitutional ba o hindi?
    Naks! Mayroon na naman topic ang mga barberyahan, ang mga naglalaro ng dama sa kanto at ang mga beterano ng debate sa Quiapo o sa may isang bahagi ng Rizal Park. “Snap ba o hindi?”
    Ok lang, basta ba hindi napapataas ang gupit ni Manong, o napapadalas ang kain sa pitsa o baka pati ang nagbebenta ng pampalaglag ay napapasali. Maging mahinahon at huwag idaan sa dahas.
    Pero sana naman natuto na ang administrasyon sa mapait na dinanas ni Makoy. Nagpauto rin noon sa oposisyon na nagpatawag ng “snap election”. Hayun, nanalo si Apo pero tinanggap ba nina Tita Cory? Di ba “civil disobedience” ang sinunod?
    And the rest ‘ika nga, is home economics.
    Lulan ng isang eroplano inilipad siya sa Hawaii. Eh baka mapapayag si Ate Glo (na mukhang malabo) baka sa isang iglap eh nasa loob na rin siya ng chopper papuntang Pandacan.
    Isdashalasanansens?
    Hay! Mga igs o, ano ba talaga ang gusto natin? Palitan ang porma ng gobyerno o ang pangulo mismo?
    Kapag wala na ba si Ate Glo, wala nang? Wala nang rally? Wala nang E-VAT? Wala nang CPR? Wala nang pagtaas ng presyo ng petrolyo? Wala nang shabu? Wala nang kotong? Wala na si FG? Wala nang pelikula si Mikey? Wala nang tuta? Wala nang pasista? Wala nang may putok? Wala nang sidewalk vendor? Wala nang cellphone snatcher? Wala nang jologs at pasaway? Wala nang traffic? Wala na si Madame Auring? Wala nang pink fence?
    Kapag parliamentaryo na ba tayo wala nang katiwalian? Wala nang anomalya? Wala nang kudeta? Wala na si Fr. Robert Reyes? Wala nang madayang timbangan sa palengke? Wala nang abusadong bus at jeepney driver? Wala nang singil sa car park? Wala nang wangwang? Wala nang plakang 8? Wala nang pork barrel? Wala na si Speaker De Venecia? Wala na si Pichay? Wala na si Gloria?
    Isdashalasanansens?
    Matagal ko nang iniisip ito. Help naman. Pakisagot nga:
    1. Does Jennifer Love Hewitt?
    2. Where did Vincent Van Gogh?
    3. Is Marvin Gaye?
    4. Why is Norman Black?
    5. Where did Sandara Park?
    6. Is Chong Yung Fat?
    7. What did Henry Sy?
    8. Why is Alonzo Mourning?
    9. Is Lucio Tan?
    10. When will Orlando Bloom?
    Lord, Kayo na po ang bahala…

Viewing 3 posts - 1 through 3 (of 3 total)

You must be logged in to reply to this topic.