mag ingat sa bodolbodol gang

This topic contains 1 reply, has 2 voices, and was last updated by  ©παςΗ 8 years, 4 months ago.

Viewing 2 posts - 1 through 2 (of 2 total)
  • Author
    Posts
  • #146358


    ©παςΗ
    Participant

    Ms Liz, saan lugar nangari yan? Maaari mo bang i-describe ang bata at yung lalaki na nambiktima sa’yo? Parang pelikula ha? Hehehe.Tsk tsk tsk. Iba talaga kapag ginamit at pinuntirya ang kahinaan ng mga pinoy – “awa”. Maraming nabibiktima. Kaya ako¬† hindi na ako nagtitiwala agad-agad, bata man o matanda. Dahil kahit anong hingin sa akin, wala naman talaga akong maibibigay, hahaha! Kung gusto nating limusan ang bata, bigyan na lang natin ng pagkain at wag ng pera. Kase pag pera baka mauwi lang sa sindikato o ipambili ng syrup o rugby. Ireport sa mga awtoridad yung mga sanggol na babad sa araw at ginagamit sa pamamalimos.Isa lang ang magagawa natin sa bagay na yan, linisin ang mga kalsadang pinamumugaran ng sindikato at iligtas ang mga bata sa mga ilegal na gawain. Ngayon pa lang siguro ay ireport na sa DSWD at sa mga awtoridad ang mga bagay na yan pati ang lugar na pinangyarihan. Kung walang pulis na makikinig, itawag kaya sa media para maimbistigahan at maaksyunan. Dahil baka sa susunod tayo naman ang mabiktima. Kunan ng litrato ang lugar ng pinangyarihan para may reference.

    FOR NEWS AND INFO, SEND VIA GMA NETWORK NEWS (YOUSCOOP):
    To send a message, text SCOOP MESSAGE NAME AND ADDRESS and send to 4627 (all networks) Php 2.50 per message
    To send MMS, text SCOOP MESSAGE NAME AND ADDRESS and send to 4627 (all networks) Php 5.00 per message

  • #146356


    cha
    Participant

    diko akalaing,mabibiktima rin ako ng bodol bodol gang na yan…isang bata ang lumapit sakin ang sabi,ate tulungan mo naman ako kasi may napulot akong wallet napakarami ng laman,xaka ito sing sing,galing daw un sa mag asawang intsik.ung wallet daw kinuha ng driver,.pag di daw nya binigay babatokan xa.lumapit naman ung lalaki mga nasa 27,edad.kunwari nakita nya ung nangyari sa bata.sabi nonoy,ano ba ung nangyari dun,asan na ung napulot mo?..sabi nung bata.kuya wag kang maingay nito tayo lang nila ate ang may alam na nandito pa ung singsing sa kin ha?ate tulungan mo ako isauli kaya natin to sa pulis?sabi ko naman oo,para mahanap ang may ari,sabi naman nung lalaki ano kaba day,kawawa ung bata pag sinauli natin yan.ang gawin natin isanla natin sa pawnshop malaking halaga yan.ayokong sumama sa kanila pero bakit that times,naawa talaga ako sa bata.nanginginig xa at nanlalamig.hawak pa nya ang kamay ko.eh my hawak ako na pera nun nasa 6k.pampadala ko nga sa mama ko kasi.xaka ung cellphone ko 2.sabi ng lalaki dun kalang namin iwan sa kainan hintayn mo kami noy ha?sabi naman ng bata baka di nyo na ako balikan,ipahawak ko sayo ate ung sing sing ilagay ko sa plastic kasi sayo ako may tiwala.sabi ko naman.bahala ka.sabi nman ng bata.para daw siguradong babalikan ko xa.ipahawak ko daw sa kanya ang cp ko,at ang pera kong hawak ipahawak ko sa lalaki,sabi ko ayoko kasi wala akong tiwala sa lalaki,sbi naman ng lalaki ano kaba,kunyari binulungan nya ako ipahawak mo sakin at ibibigay ko rin sa likoran mo.sabi ko ok.nung inabot nya sakin ung subre na nilagyan ko ng pera ko.dko cheneck kasi baka isipin ng bata na sinauli sakin,pati ung sing sing na binigay nya na nakaplastic diko cheneck.sabi ng bata.kuya paunahin mo si ate sa pawnshop para siguradong di nyo ako lokohin,sabi ko naman bakit ako?eh pano ung cp ko,akin na.sabi nung lalaki ibibigay nya pag dating sa pawnshop tapos binigyan pa ako ng 20 pesos pamasahe ko daw.di ko alam wala na pala ang pera ko.ng buksan ko ang subre.at ang plastic na may singsing bato na pala ang laman.grabe ang sama ng loob ko nun…pero hanggang ngayon diko parin makalimotan ang mukha ng dalawang un.lalo na ung bata.para nila akong hinepnotised..ng araw na un.para sumama sa kanila.

Viewing 2 posts - 1 through 2 (of 2 total)

You must be logged in to reply to this topic.