MAG-INGAT SA “VOICE DISORDER”

This topic contains 4 replies, has 4 voices, and was last updated by  jausi 7 years, 7 months ago.

Viewing 5 posts - 1 through 5 (of 5 total)
  • Author
    Posts
  • #161209


    jausi
    Participant

    Fantastic Flower Oil Paintings art is often regarded to be an awesome financial commitment since it does usually improve in value quicker than area, oil or any other source on the earth. Of course, this is not the only purpose that we are satisfied Famous Oil Paintings to own paintings, because its actual elegance is something that is really excellent to have a opportunity to be around, as well. person who would appreciate the opportunity to own art things have Abstract Oil Paintings found that they get much more from their buys if they look into an excellent way to buy oil painting since these are the traditional works of art that are known to last a while, but you have Landscape Oil Paintings to be affordable, too. What you can find is that you can actually get imitation painting for a much cheaper than you might think and these are completely magnificent.Sure people know about art cards and those Modern Oil Paintings can be very, but if you are serious about having something awesome, then you want the complete on painting and not some ink jet duplicate that is really value very little.
    ———-
    Oil Painting For Sale

  • #30644


    recca
    Participant

    zel, kaya palan idi ko na nakikita si rosele sa mga tv shows….gusto ko ngani kan boses nikadto ta lang gayon baga…..salamat idi sa mga info….pero siguro idi na ako magka VOICE DISORDER ….ta kan boses ko e dati nang uda order….or uda naga-order….mas klaro..hehehehhe
    .ako ababa man kan boses ko …siguro kan pirmi ko na sanang kakantahon ay su ki “Pitong Gatang” ….naisian ninyo kadto?….sige raw sisay nakaisi…kantahon nyo raw tabi….amo kan paborito ni Manoy Tony ko..(subang samo magiripangod)…plus idol ko pa si “D King”..hehehhehehehehehhe

  • #30614


    BWW
    Participant

    Ay.. Encendador! Huna ko ang kakantahon mo, LONELY TABLE JUST FOR ONE!

  • #30612


    andador
    Participant

    hmnnn.ok yan na pa-aalala mo manay bubbly…basta ako..ok lang na mag lagong boses ko..type!!dakul na malalansi…aber…To all the boys i loved before…ahahay..feel na feel!

  • #30606


    BWW
    Participant

    Isa si Roselle Nava sa itinuturing na pinakamagaling na mga mang-aawit sa bansa. Pero ngayon, ang tinig na hinangaan dahil sa kakayahang bumirit ng hanggang langit ay tila naputulan ng pakpak.
    “[Naging] boses-lalaki ako na talagang ‘yung mga kanta na kaya ko lang e ‘yung mabababa,” aniya.
    Sabi ni Nava, sa pakiramdam niya ay may isang bahagi ng kanyang sarili ang nawala dahil kung tutuusin ay 20 taon na siyang kumakanta.
    “Papaano kaya nangyari ‘yon?” tanong niya..
    Nagsimula ang problema ng mang-aawit nang siya ay magdieta. “Nagkaroon daw ako ng ‘electrolyte imbalance’ kaya nahilo ako tapos sabi ng nanay ko, parang nangisay at nanigas ang katawan ko.”
    Habang naninigas ang katawan ni Nava, pakiramdam din niya ay sinasakal ang kanyang leeg. Sa puntong iyon, nabatid kinalaunan na tinamaan na ang mga “vocal chord” ng dalaga.
    Walong taon pa lang si Nava nang magsimulang kumanta. Ngayon, dalawang dekada na niyang buhay ang musika kaya naman hindi makakayanan at matatanggap ng mang-aawit ang mawalan ng boses.
    Nagpasuri agad siya sa doktor at sinunod ang paggagamot. Pero makalipas ang ilang buwan, hindi pa rin bumalik ang magandang tinig ni Nava.
    “Kumonsulta ako sa ibang doktor. Kinapa ‘yung leeg ko at ang sabi e namamaga raw ang ‘thyroid gland’ ko at may ‘edema,’ ” aniya. Tumagal ng isang taon ang gamutan. Bahagyang naging normal muli ang boses ni Nava.
    Ngunit sa pagtatapos ng gamutan ay hindi pa tuluyang bumabalik ang dating ganda ng boses ng mang-aawit. Bunga nito, nalampasan siya ng mga pagkakataon sa musika at pag-awit sanhi ng kondisyong ito ng kanyang boses.
    Sa kabila nito, hindi nawalan ng pag-asa si Nava. Sinikap niyang ibalik ang nawalang taginting ng boses.
    “Nagpunta ako sa iba’t ibang doktor, mga experto sa boses, para maibalik ‘yung dati kong boses,” sabi ng dalaga. Aniya, naging malaking pagsubok ang yugtong ito na tumagal ng isang taon.
    Ngayon ay namamayagpag muli sa musika si Nava. Pero hindi pa rin nawawala ang pangambang dulot ng pagkakasakit niya.
    Pamamaga ng “vocal chord”Ayon sa isang espesyalista sa mga “voice disorder” o karamdaman sa boses, madalas maging biktima ng pamamaga ng vocal chord ang mga propesyunal na gumagamit ng boses sa trabaho, tulad ni Nava.
    Ani Dr. Clarissa Fortuna, “Ang voice disorder ay ‘yung sakit na ang sintomas ay paos at pagbabago sa kalidad ng boses.”
    Aniya, ang voice disorder ay nag-uugat sa pagkakaroon ng “nodules” o kalyo ng vocal chord ng mga biktima dahil sa labis o maling paggamit sa boses.
    Natutukoy ang voice disorder sa pamamagitan ng “stroboscopy.” Sa pamamagitan nito, padadaanin ang isang “endoscopic telescope” sa bibig. Makikita ang loob ang vocal chord at ang maaaring problema nito sa isang computer.
    Ipinaliwanag ni Fortun ang tinaguriang “vocal chord nodule” o “Screamer’s nodule” o kalyo ng vocal chord na nakukuha sa labis na pagsasalita at pag-abuso sa boses.
    Bukod dito, ani Fortun, mayroon ding “polyp” o bukol na kasinlaki ng sago na tumutubo sa vocal chord.
    Tulad ng mga mang-aawit, lapitin din umano ng karamdaman sa boses ang mga brodkaster kaya kailangan din silang sumailalim sa stroboscopy.
    Delikado rin ang madaldalHindi lang mga propesyunal na gumagamit ng boses ang maaaring kapitan ng voice disorder. Kahit sino’ng sintonado, basta mahilig kumanta ay posible ring maging biktima.
    Ani Fortun, nakasasama sa vocal chord ang pagpilit na abutin ang mga tono na hindi talaga nakakaya.
    Kahit hindi rin hilig ng isang tao ang pagbirit, hindi pa rin makatitiyak na ligtas sa pagkakaroon ng voice disorder. Sabi ni Fortun, dapat ding mag-ingat ang mga taong madaldal at mahilig sumigaw.
    Tulad na lang ni Jane de Jesus, 17, at isang kolehiyala.
    Kamakailan ay nabatid niya sa pagsusuri ni Fortun na tinamaan siya ng voice disorder dahil tinubuan ng kalyo ang kanyang vocal chord.
    Sabi ni de Jesus, bata pa lang ay madaldal na siya. Pero lingid sa kanyang kaalaman, lumala ang kondisyon nang magturo siya ng mga manlalaro ng badminton.
    “[Kapag nagtuturo ka] todo ang pagsigaw mo e dahil kailangan kang marinig ng mga estudyante,” aniya.
    Sa kaso ni de Jesus, sinuri muna kung maidadaan sa “voice therapy” ang karamdaman ng kanyang boses.
    Ayon kay Nadine Sy, isang “speech pathologist,” gumawa muna siya ng isang programa sa paglilinis ng boses. Sa programang ito, aalamin kung ano ang dapat at bawal na pagkain para matulungan ang pagbabalik ng boses ng pasyente.
    Mayroon ding mga hakbang na gagawin para sa maayos na paghinga habang nagsasalita.
    Pero kapag walang nangyari sa programa, kailangan nang magpaopera ni de Jesus.
    Payo ni Imelda Llamoso sa mga tulad ni de Jesus, habang maaga ay paglaanan ng oras ang voice therapy. Bukod sa kahirapan sa pagsasalita, masakit din sa bulsa ang magpaopera kapag malubha na ang voice disorder.
    May karapatang magsalita nang ganito si Llamoso. Noong Disyembre 2004, ipinatanggal niya ang bukol sa kanyang vocal chord. Gumastos umano siya ng higit sa P60,000.
    “Napagod ako sa kababalik sa doktor at isa pa e natakot ako na baka mauwi sa kanser ‘yung bukol,” aniya.
    Bago siya nagkasakit, trabaho ni Llamoso ang palagiang pagsasalita para sa mga produktong ibinebenta. Aminado ang babae na ito ang pinagmulan ng kanyang sakit.
    “Kasi matapos ang mahabang pakikipag-usap sa mga kliyente, sa gabi e kakanta pa ako sa mga videoke at maninigarilyo pa,” sabi niya.
    Bunga ng pinagdaanang operasyon, ingat na ingat na ngayon si Llamoso sa pagsasalita. “Hindi na ako sumisigaw at iniiwasan ko na ring kumanta.”
    Tinapos na rin ni Llamoso ang yugto ng pag-iinom ng alak at sinusunod na niya ang mga ehersisyo sa wastong paghinga kapag nagsasalita.
    Samantala, bukod sa wastong paggamit ng boses ay may payo rin ang mga espesyalista para maiwasan ang karamdaman nito.
    Payo ni Sy, “Dapat dagdagan ‘yung iniinom na tubig, dapat anim hanggang walong baso sa isang araw.” Dapat ding huminto sa paninigarilyo at bawasan ang pagkain ng matatamis at mga inuming may “caffeine.”
    Sabi ni Fortun, 50 porsyento ng mga kaso sa kanyang mga pasyente ay nakaugat sa problema sa lalamunan at vocal chord. Aniya, hindi dapat ipagwalambahala ang nararamdamang pananakit ng lalamunan habang nagsasalita.
    Aniya, maging propesyunal na mang-aawit o ordinaryong mamamayan, dapat pangalagaan ang boses dahil ito ang puhunan ng bawat isa na hindi magagawang tumbasan ng kahit anong halaga ng salapi.

Viewing 5 posts - 1 through 5 (of 5 total)

You must be logged in to reply to this topic.