This topic contains 6 replies, has 6 voices, and was last updated by POI 14 years, 11 months ago.
-
AuthorPosts
-
October 24, 2008 at 8:25 PM #94159
mangumusta sana tabe.
manoy josee, kumusta na ang amater? pirmi kami dyan dati. nag over night pa ngani kami.ang madangog mo sana su kantang “never been to me” 😉 paborito ko dyan maglangoy langoy ta malipoton maski odto sabayan ki kaon kan mainit init pa na putong bigas na may palaman na bukayo (ano na ngani tabi apod kato)? pag nakakaon ako kato nin duwa, magabaton sa tulak, dai na ako makahiro, minatukaw na sana ako sa gapo mientras nakababad sa tubig amater…puertehon 😀
-
October 24, 2008 at 4:40 PM #94057
ay na-miss mo ako bestpren Carlos? touch naman ako =)
Cool ang dog style writing ni Manoy Josee ah :)) -
October 24, 2008 at 9:07 AM #94012
@Jose maganda ang obserbasyon mo sa mundo, ang sinulat mo ay inihalintulad ko sa dagat malalim pero madaling languyin maraming mapupulot na perlas. Mapalad kayong mayroong talino sa panunulat ikaw,si Pai caloy at ang iba pa. Magandang kaibigan ang aso katulad din ng tao sa kahol lamang malalaman mo ang tutoo. Pero mas magandang kaibigan pa rin ang tao kung ang matagpuan mo ay tao, pero kung ang tao aynaging aso o asusiguradohin mo na hindi usok ito. Nice job.
-
October 24, 2008 at 5:31 AM #93998
Present tabi ako Pading Carlos. Medyo busy ngunyan pero nasa “reading mode” sana ako pirmi. Bayae sana at mabutwa na sana ako.
-
October 24, 2008 at 2:14 AM #93976
Nalingawan ko palan bangiton si Butchukoy saka si Tasur na kaiba sa mga “uragon” kan GB.
-
October 24, 2008 at 1:50 AM #93971
May ugali rin ang tao na parang sa aso. Nakasunod ang asosa tao para alagaan at protektahan ang kapakanan ng kaibigang tao. Bubuntot-buntot ang tao sa kapwa tao, hindi para protektahan kundi pagsamantalahan ang kahinaan sa hindi inaasahang panahon.
Kilala ng aso kung sino ang kanyang kaibigan at kaaway, mapa-tao man o mapa-aso. Samantalang ang tao, nagpapanggap bilang isang kaibigan para makuha ang kanyang gusto sa masamang paraan.
Mabuhay ka Josee, haen na daw su iba pang katipunero? Maski minsan-minsan ka minabutwa, maugma ako ta saro ka sa patunay na may pagasa paang Pilipinas, saka patunay na bakongbopol ang mga bicolanos kan GB.Haen na daw su iba pang mga “uragon”? Si Mikey naheheling ko pa, siring man si Rod, si Ed , si miembro privado, si harley. Haen na daw si Pepe, si Emil, si Jericat iba pa? Sa mga babaye naman, haen na daw sina charmed atchebs? -
October 22, 2008 at 10:26 PM #93567
Sarap talaga magbakasyon…, tulad nitong isang napakagandang umaga. sarap magkape atmanood ng mga magagandang babaeng nagdaraan. Iniispatan ang ilang magaganda. Matagal ang pagkakatitig. Bahagya akong ngumiti, Nagpamewang. Lumakad-lakad, walang epekto. Pasok na ulit sa bahay baka bukas mag katutuo na yong sinasabi sa telebiyon na kapag ginamit ko ang toothpaste na ginamit ko kanina, mapapadalas ang pagngiti ng mga kababaihan sa akin. At kong ginamit ko rin ang deodorant na ginamit ko kanina, pagkaguluhan ako ng kababaihan. Baka bukas pa magkabisa.
sa labasan ang daming aso *tanging yaman* (aba magandang subject to!), naisipan kong lumabas at bumili ng dyaryo….Sarap humigop ng kape sabay sa pagbuklat-buklat ng bawat pahina….Pero kumakati ang aking kamay, parang gusto ko…gusto kong magsulat.
Ang tao daw ay produkto ng milyong taong ebulosyon at sa dinami-dami ng hayop sa boung mundo, aso ba talaga ang dapat maging bestfriend ng tao? hindi kaya sa sobrang lapit ng aso sa tao, nagkahawaan na sila ng ugali sa isa’t-isa? Tulad ng tao madalas akong makakita ng mga aso na nagpapatayan para sa isang pirasong buto. O dalawang lalakeng aso para sa isang babaeng aso. O pamimilit ng lalaking aso na maka-score sa babaeng aso. Pero di naman umabot sa panggagahasa ng lalakeng aso sa babaeng aso. Wala pa rin akong nakitang aso na nanggahasa ng tuta. Wala pa rin akong nakitang inahing aso na nanligaw, nanggulpi o nagpa-ampon ng kanyang tuta. Pero tulad ng aso hindi nahihiya ang tao na tumae at umihi sa tabi-tabi.
Hindi pa rin ako nakakita ng asong nagpakamatay dahil hindi sya sinagot ng pinopormahan nyangaskal, o nagmasaker ng isang pulutong ng mga aso dahil magkaiba ang kanilang pinapaniwalaan.Bagamat kapwa nauulol ang tao at aso, wala pa akong nakitang asong nagbaliw-baliwan. Hinihintay ko ring matoto ang aso na magpa-abort ng tuta at ang tao na kainin ang kanyang sanggol pagka panganak. Malaking tulong ito sa ambisyon ng gobyerno na makontrol ang papulasyon. Ano kaya’t matuto na rin ng prostitusyon ang aso? May nakita na rin akong laban ng pitbull, talagang duguaan ang dalawang aso matapos ng sagupaan. Pero wala pa akong nakitang asong nagursunadang kapwa aso dahil lamang sa kakaiba nitong paglakad, kahol, kulay ng balahibo o lahi. Marunong din kayang magsinungaling ang aso at ubusin ang maghapon sa tsismis? Iniihian daw ng aso ang isang lugar bilang tanda na ito’y kanyang teritoryo. Iniihan daw ng tao ang isang lugar, bilang tanda na mabuti pa ang aso, may teritoryo.
Kanina sumakay ako ng dyip sa pagbili ng dyaryo, napansin ko marami na ring pinagbago, iba-iba na ang nakasulat may “Hila mo, Hinto ko” may ilang karatula ganito naman ang nakalagay: Pull String to Stop. Ang sutsot sa aso, Ang katok ay sa pinto ang para ay sa tao. Press Button to Stop.Sana sa hinaharap may kontrol na rin sa preno ang pasahero. Sigaw na kasi ako ng sigaw, katok na ako ng katok harurot pa rin si manoy ibang version na man pala ang nandito “Hila mo, Hinto Ko”, Hinila ko ang tali at gaya ng inaasahan, sumindi ang animo’y ilaw ng ambulansya sa loob kaya pagtigil listo! karipas agad ako ng takbo, baka kasi may sumalubong sa aking nurse at duktor na may hila-hilang stretcher at ideretso ako sa emergency room.
Napa Wow ako sa Frontpage: isang magandang artistang nakaliyad sa cover.Malamang biktima ito ng kakapusan ng offer na pelikula, soap opera, endorsement,at pulitiko. Bahagyang nakatagilid para itago ang pinaka tatago kunwari. Puro tingin na lang ang ginawa ko. Hirap akong basahin ang mga nilalaman.Kasi ba naman, hindi ko na matukoy kong alin ang balitang pambansa sa showbiz, sports, kwento at porno. Ang pulitiko, may kolum na rin sa pambansang tabloid kahit na sila madalas ang dahilan kong bakit nito ang bansa ngayon. May pulitiko rin na nagbibigay ng payo. Sana makakita akong nagbibigay ng horoscope at mga lucky numbers na tatama sa witing at lotto.
Di ko rin natapos ang crossword puzzle may mga tanong kasing di ko napagaralan at hindi kasama sa mga nagpapagulo sa mga balahibo ko sa umagang ito. Itanong ba naman kong ano ang tunay na pangalan ng artistang kabit ng isang kapitan na anak ng dating child star na naanakan ng sikat na komedyanting noong dekada sitenta.
Buklat sa kabilang pahina. Ang laki ng advertisement “LILIIT ANG BUTO MO” ang laki ng imprenta. Pag di ka raw uminom ng suppliment na yon na mayaman sa calcium pagtanda mo liliit ang iyong buto. Napahagalpak ako sa tawa sabi ko ito ang masarap sa nagbabasa ng tabloid alam na alam mong nag-uutuan kayo.
Classified ads sa kabilang pahina. Ang pangangailangan sa mga manggagawang Filipino sa boung mundo. Mula sa tagahugas ng pwet ng mga matatanda at bata hanggang sa taga aliw sa mga nalulumbay at nagpapatulo ng laway. Ang mga OFW daw ang mga bagong bayani ng bansa. Pero sa huling dalaw ko sa Luneta, sa bulatlat ng pera, sa Bantayog ng mga Bayani hanggang sa libingan ng mga bayani para yatang wala akong nakitang OFW.
Sa kabilang pahina ang enterbyu ng reporter sa mga kaanak at mga namatayan sa biktima ng lumubog na barko. At ang pinakamahalagang tanong na marahil ay itinuro ng mga eskwelahan sa Mass Communication o Journalism ay “ANO ANG NARARAMDAMAN MO NGAYON? na sinundan pa ng pangalawang tanong na “ANO ANG BALAK NYO NGAYON?
wala na akong mabasang nakapagpapasaya, Na miss ko tuloy ang trabaho ko. Nenerbyus na ata ako sa kakainom ng kape. Maaraw dito ngayon, malinis ang langit, malamyo ang hangin galing sa bulkang Mayon, Mamaya labas ako magsisimba sa Tiwi sabay ligo sa AMATER.
Pasensya na sa walang kabuhay buhay na kwento…ala lang magawa. Kaya pag wala akong ginagawa ito ang ginagawa ko.
Marhay na aldaw Bicol. -
AuthorPosts
You must be logged in to reply to this topic.