Sa Aking mga Kababayan at Minamahal na Bicol

This topic contains 6 replies, has 3 voices, and was last updated by  Josee 15 years, 9 months ago.

Viewing 7 posts - 1 through 7 (of 7 total)
  • Author
    Posts
  • #77691


    Josee
    Participant

    Oyyyy, Musta na…Mamaya New Year na…may paputok ka na ba? Saan ka mamaya? Naalala ko tuloy last year
    Dyan sa Plot mo…OO dyan tayo nag New year sa Plot nyo inimbita mo ako….Siguro natuto ka ng mag luto
    ngayon..yong dati okay naman… sarap nga dati ng KANGKONG JUICE mo…kalain mo Tinulang manok pala yon…saka
    yong RADIO ACTIVE ADOBO mo kakaiba….wala noon sa BICOL ah….maalat alat na di maintindihan..parang
    sunog.

    Sya nga pala nakita ko picture mong bagong upload sa homepage wala ka na namang magawa dyan sa BARKO ano?
    “inahit mo na naman ang buhok mo sa dibdib at kili-kili”?

    Siguro may new year resolution ka na? Aba ayos yan ah…pabasa ha?. “Hin-di na ak..ako..maiinis m-u-l-a
    nga-yon sa mga sumu…sunod:

    – mga pangalan na nilalagyan ng “h” (katulad ng jhune, dhanny, jhoey, jhim, jhay, jhet,piph),
    – tunog ng baril ni agent X44 Tony Falcon,
    – tunog ng suntok ng mga pelikulang pinoy,
    – tunog ng stirofoam pag pinisil,
    – tunog ng kinaskas na kuko sa blackboard,
    – the term “weapons of mass destruction”,
    – sales people who always say “absolutely”,
    – NAIA,
    – the term “liberating the iraqi people”,
    – jeepney fumes, standing on a bus going home,
    – cruise missles,
    – pelikulang bumbay,
    – stale coffee,
    – tomahawk missles,
    – january 2,
    – pimples,
    – powdered orange juice,
    – funeral parlors,
    – hospital morgues,
    – cold showers,
    – nagtataeng ballpen,
    – nagtataeng ballpen na nakalagay sa bulsa ng puting polo shirt,
    – lapis na bale, disco music, rap music, loud bar music, loud rap music played in a bar,
    – non-functioning remote control,
    – automatic watches that stop in the middle of the night,
    – Signs na “bawal umihi dito” signs (ang mahole, bogbog),
    – pink pants for men, pantalon na bitin, lalaki
    na naka yellow-orange shirt na may ternong pink pants na bitin,
    – lawlaw na shorts, tsinelas na luma, loud preachers inside a bus (PRAISE THE GOD!),
    – tinapay na may amag, mainit na coke,
    – soft boiled egg na sobrang soft,
    – CNN reporters na pumipikit-pikit pag nagrereport,
    – sign pen na walang tinta, CD na tumatalon, abstract painting na binebenta sa bangketa sa Daraga,
    – sappy love song ring tones, sappy love song ringtones
    – ringing inside theatres,
    – taxes, ringing phones at 2 o clock in the morning,
    – traffic jams, fast changing traffic lights, war councils, tapilok,
    – somebody wearing turtle neck sweaters in Legaspi,
    – somebody wearing leather jackets over tutleneck sweaters in Naga,
    – the term “decisive force”, censorship,
    – people calling you “Nonoy, Nhe, Bhe”,
    – pentel pen na malapit nang maubusan ng tinta,
    – underpowered cars,
    – lumang pera,
    – …AND, the most kinaiinisang bagay-bagay as of late this minute: the term “shoccccksss and aweeeeee”

  • #77662


    Josee
    Participant

    Kumusta ka na? kakaiba ang nararamdaman mo ngayon dahil sa balita sa telebisyon: kaya daw hindi umasenso Pilipinas
    maluluho daw ang pamilya ng OFW. Palagi daw naggo-grocery at nagmo-mall. Dalawang beses daw sa isang linggo kung
    kumain sa labas. Nag-isip ka tuloy at nagtanong sa sarili. “Talaga?”

    “Ngayong gabi lang, nasaksihan mo ang balita sa telebisyon na nagsasabing muling sumadsad ang palitan ng piso sa
    dolyar sa pinakamababang antas nito: P41.00 na lang. Hayyyyyyzzz! Sinasabi rin na tinatayang sasadsad pa ang halaga
    ng dolyar ngayong buwan ng Disyembre sa kadahilanang babaha ang padala ng mga OFW. Sinasabi ng gobyerno, ito raw
    ay magandang balita. Ang paglakas daw ng piso ay nangangahulugan ng pagbuti ng ekonomiya ng bansa.”

    Napailing ka na lang tuloy at napabulong sa sarili “wala naman akong magagawa kung sumadsad ang halaga ng dolyar e.
    Hindi rin naman kami kontra sa pag-unlad ng ekonomiya ng Pilipinas. Kaya lang, bakit ganun? Bakit hindi
    nararamdaman na umuunlad nga ang ating ekonomiya?

    “Kagabi din, OO dinig na dinig mo sa eRadioPortal.com ibinalitang nagtaasan na ang pangunahing bilihin sa
    palengke. kaya napailing ka na naman “Teka, kala ko ba bumubuti ang ekonomiya natin? Parang kailan lang,
    tumaas ang presyo ng bigas, ganun din ang petrolyo? Kung bumubuti ang ekonomiya ng bansa, bakit hindi naibababa
    ang presyo ng mga pangunahing bilihin?” nawalan ka tuloy ganang mag kape, Star Buck pa naman yang hawak mo.

    Napailing ka ulit at tumawa….Malakas…malakas na malakas…at nag salita ka na namang mag-isa “Sabi ng gobyerno,
    ang mga OFW daw ay ang mga bagong bayani ng bansa. Sila ang ating main export. Dahil sa kanila,
    nabubuhay ang ekonomiya ng bansa. Ngunit sa balitang bababa ang palitan ng dolyar hanggang Disyembre, dahil sa
    mga padala ng mga OFW, hindi ba ito ay malinaw na panggagatas? Mga walang utang na loob! Ginagatasan
    ninyo ang mga bayani ninyo!”…tumawa ka na naman tawang nakakainis.

    Ayan…..sumama tuloy ang araw mo….Tubig muna….ang puso mo….alalahanin mo mahal ma-ospital dyan “okay din
    lang naman sana na gatasan kung makikita at mararamdaman din lang naman nila ang pag-unlad ng bansa. Pero
    kung ganitong ginagatasan na sila, niloloko pa. Aba, teka! ibang usapan na to….Makunsyensiya naman sila!
    Ang kapalit n’yan ay walang tigil na trabahong hindi iniinda ang sakit ng katawan sa pagod, mga masasakit na
    salitang pinagtitiisang pakinggan, paglunok ng kahihiyan at prinsipyo, malalamig na gabing ang kapiling lang
    ay larawan ng minamahal, pagsalang ng pisikal na katawan sa napakalamig o napaka-init na temperatura.
    Lahat ng klaseng pagtitiis — iyan ang katumbas ng halagang ipinadadala. Iyan ang halagang ngayon ay
    pinagbabalakan pang pagsamantalahan.”….relax muna pare……maaga pa…ang puso mo.

    Pero tuloy ka pa rin….kahit nanginginig at sumisimangot ka na “Sabi ng iba, mas nakahihigit kami ng pamumuhay
    kaysa sa mga minimum wage earners na nagtatrabaho dito sa Pilipinas. Nakakaluwag kami sa pamumuhay. Nabibili
    namin ang aming gusto higit pa sa aming pangangailangan. Pero alam ninyo, parang pareho din. Ang minsan naming
    pagsasaya, tulad ng pagkain sa labas, panonood ng sine, paglilibang at pamimili, may kaukulang tax ding 12% na
    napupunta sa gobyerno. Minsan lang naming itong gawin, babalik din kami sa pamumuhay ng pangkaraniwang minimum
    wage earners sa Pilipinas. Bibili pa din kami ng bigas, gas, asukal, gatas, noodles, tinapay, tuyo, gulay,
    karne, sabon at iba pa. Gagamit pa din kami ng kuryente at tubig. Sasakay pa din kami sa mga pampublikong sasakyan.
    Magbabayad pa din kami ng tuition fee sa paaralan. At ganun din ang singil sa amin sa mga pagamutan kung kami
    ay magkakasakit. Wala naman kaming espesyal na pribilihiyo….” ayan di ka pa galit nyan ha….

    “Sa baba ng palitan ng piso sa dolyar, nagiging halos pareho lang ang kita kung doon man sa ibang bansa
    mag-hanapbuhay o dito sa Pilipinas. Ang kaibahan, mas madaming oportunidad ang naibibigay ng ibang bansa
    kaysa dito sa ating bansa. Paano namang magkakaroon ng magandang oportunidad dito, e sa gobyerno pa lang,
    wala nang inatupag kundi ang sarili nilang kapakanan…..” Hirap talaga ng nag iisa hehehehe walang makausap…kaya
    minsan nagsasalita ka mag-isa……Punta kaya ako ng Times Street sa 31 ng gabi makiki countdown sa pag
    salubong ng New year…..sa Sentosa kaya…O sa marina Bay…manonood ng papautok…sa tabi kaya ng Sydney opera
    house….ala lang……Di mo na tuloy alam ang lasa ng San Miguel Beer…Puro Sadiki na lang Kasi…Minsan
    Tupa…Tupa…tupa…..puro na lang tupa……minsan naman Burger…burger…burger…pangat na nga eh…
    pangatlong long init na……

    Itutuloy

  • #77642


    Josee
    Participant

    kailan ka ba huling nauwi ng Bicol? Matagal na diba? halos di ka na kilala ng mga bagong sibol,
    Malalaki na siguro ang yong mga anak o kapatid kaya. Liliit pa nila ng umalis ka. Ngayon siguro
    binata’t dalaga na. Na miss mo tuloy ang pag mamano sa iyong amang at inang.

    Naaalala mo pa ba noon madalas kayong magsimba kasama sila. OO, siya naaalala mo pa ba?
    ang syota mo sa Daraga na nag asawa na sa kakahintay sa iyo …(Pitong taon din yon na nauwi sa
    wala) …dahil sabi mo “Sige na Dai mo na ako pag halaton….” Matigas ka noon…
    pero alam ko Iniyakan mo di ba, dahil alam ko hangang ngayon di ka pa rin nag aasawa di ba?

    Nasaan ka na nga ba ngayon? Nakita kita sa nag upload ka ng mga Picture, Hawak mo ang maraming
    bata pero alam ko di mo anak ang mga yon. Inaalagaan mo ang maraming matanda pero alam ko di mo
    magulang yon. Kumakanta ka habang inaaliw sila pero alam ko di mo sila ka anoano. Siguro malambot
    ang iyong kama pero malungkot ka, Minsan di ka mapagkahimbing sa pagtulog pagkat minsan binabangogot
    ka ng mga pag-aalala.

    Iba na ang mga kasama mo ngayon na tinatawag mong Ate at Kuya ngunit alam ko di mo sila mga
    tunay na kapatid mga panandaliang kasama lamang. kumakain ka ngayon ng masasarap nunit parang
    walang lasa, kulang sa sangkap ng pagmamahal tulad ng inihahanda ng iyong ama at ina.

    Parang may Kulang ka ngayon sa sigla di tulad nong nandito ka, Puro trabaho ka kasi…parang tumanda
    tuloy ng sampung taon, pakiramdam mo lagi kang hapo kahit magaan naman ang trabaho mo…kong gusto
    mo namang may makausap kailanga mo pang magabayad para makatawag.

    Ang saya ngayon ng KABICOLAN magbabagong taon…dami sigurong paputok, pero dito sa lugar mo
    napakatahimik, di mo nga naramdaman ang pasko, siguro nga tinulog mo na lang…. ngayong bagong
    taon saan ka kaya?

    Mag babagong taon na wala ka pa, hinihintay ka pala nila…OO…ni Mamay at Papay mo, ng mga kapatid
    anak at asawa mo…sayang di ka makaka uwi…pero okay naman sila, wag ka masyadong mag aalala.
    Nadaan ko pala kahapon sa Camalig papuntang Daraga may mga pamilya pang nasa evacuation center
    sila yong mga inanodan ng bahay, ang iba nasira ang iba natabunan ng nagdaan baha. Wala pa ring bunga
    ang mga niyog, ang mga kahoy wala pa ring mga sanga. Di na pala kasing ganda ang dating CAGSAWA.

    Na aalala mo pa ba ang mga kaibigan mo sa NAGA, yong madalas mong tawanan dahil Rinconada baliktad
    magsalita. May wake boarding na pala ngayon sa camarines. Nabasa ka rin ba dati noon sa Pina Francia?
    Parang airport na pala ngayon ang terminal ng bus sa NAGA…di ba noon minsang BACK PACKER ka
    karipas ka sa paghanap ng bus na malilipatan?

    Kailan ka ba huling nagsimba at naghalo halo sa Tiwi? ang sarap di ba natatandaaan mo pa?
    may keso halo halo nila saka ang sarap maligo sa ilog nila may swimming pool. O sa tabaco kaya
    habang nag dididsco ka sa Casa Eugenia, natatandaan mo pa ba ang SAMURAI mong pasadya sa KUBO nakaukit
    pa ang pangalan mo, At minsan ang barko sa Pier kala mo nasa ibang bansa ka pag nakikita mo ang
    mga Tsinong crew na naglalaro ng Football at sumasali ka. Na miss mo rin ba ang mga sikad-sikad?

    Sa Sablayan kong nag so shortcut ka papuntang naga…ang daming gabi nakatanim sa niyugan….parang
    naisip mo tuloy mag luto ng pinangat ngayon. Ang Sarap lumangoy sa Beach ng Santo Dumingo Diba, parang
    mga alitaptap ang mga ilaw ng Legaspi kong gabing maaliwalas ang langit, madalas ka umagahin doon diba?

    Malawak pa rin ang palayan sa Guinobatan, Napaka ganda pa rin ng mayon, Super pa rin ang ngiti
    ng mga BICOLANA.Sarap pa rin ng alimango sa Castilla, Sariwa ang mga Isda sa Bulan….at ang paburito
    mong bilhin ang baluko….bumabata ka ng limang taon pag nakakakain ka noon diba?…sampung taon ka
    nang di nauwi ng Sorsogon…Kailan ka ba huling naligo sa MASACROT at San Mateo Spring, naaalala
    ko tuloy ang huli nating Hiking sa Bulusan Nadulas ka noon…pumutok din pala kaya bawal munang
    umakyat ngayon. Naalala mo pa ba isang bangka tayo noong umupa ng SPOTTER para makita ang mga
    butanding ng Donsol.Di kana siguro kilala ng mga bagong bata sa Pier na hinuhulugan mo ng mamiso
    para sisirin nila.

    Kailan ka nga pala balak umuwi?

    P.S. di na pala ngayon uso ang baraylihan. diba dati naka pomada ka pa….at Spoting na spoting ka?
    Matutulog ka na ba? wag muna kukuwentuhan pa kita dahil tulad mo wala rin ako sa Pinas.

  • #77621


    Josee
    Participant

    Sa aking mga minamahal na kababayang nasa iba’t ibang sulok ng mundo, Magkakaiba man ang bawat
    nararating at mga katayuan sa buhay, maging mataas man o mababa, humahanga ako sa kadakilaan ng
    inyong pusong harapin ang hirap, kalungkutan at pagdurusang malayo sa piling ng mga mahal sa buhay.
    Di man lubusang nadarama ang hirap ng katawan sa pagtatrabaho o ang makisama sa mga banyaga o
    ibang lahi sa sarili nilang bansa na di gaanong kilala, tulad nyo nadarama ko rin ang bawat
    pangungulila at kalungkutan sa mga panahong kailangan ang mga yakap at haplos ng mga mahal
    sa buhay ay nauuwi nalamang sa pagtitiis kung kailan sila darating o kailan kayo uuwi(?)

    Sa kadiliman ng bawat gabing Nagdaraan, Nakaka dudurog puso, Nadarama ko rin ang inyong mga
    kalungkutan, ang inyong mga luhang kusang pumapatak O ang mahigpit na yakap sa kawalan ng
    walang pagkanlungang alaala, ang bawat katahimikan ng inyong mga pag iisa, habang ang isip
    ay nasa Pilipinas puno ng pag aalala sa inyong mga magulang, mga anak o asawa. Walang magawa
    kundi pakinggan ang tibok ng puso at haplusin ang iniuutos ng kapalaran. Habang ginagawang
    araw ang mga hating gabi habang pagod ang inyong mga puso at natututong matulog mag-isa.
    Hindi madali, at batid nyo ring hindi lahat ay kasing palad, Ngunit alam ko’t alam nyong ring
    walang kasing tamis ang bawat katumbas.

    Tumitingala ako sa inyong pagiging bayani hindi sa sukatin nila, kundi sa pagiging bayani sa
    pagharap ng lahat ng hirap na nararanasan nyo sa mga panahong ito na kung saan din ang sariling
    bayan ay tumatamasa ng kadakilaang di naman dapat sa kanila. Ngunit batid ko na di ang isang
    pagiging dakila ang inyong hangarin bilang mga anak ng BICOL kundi ang mga hangaring kayo at
    tayo lang ang nakakaalam at nakakaunawa na mas malalim pa sa inaakala nila. Taas noo nyong
    itingala ang inyong sarili sa iba sapagkat taas noo namin kayong pinagmamalaki di dahil sa ano
    paman kundi dahil sa inyong pamumuhay, pagmamahal at pag asa para sa pamilya at bansang ito.
    Sa ngalan ng kapatiran ng boung BICOLANO. Mabuhay kayo!

    (Paala-ala lang kaibigan: Kong OFW ka man at binabasa mo mo ang thread na ito wag kang luluha)

  • #77610


    Alpha Omega
    Participant

    Bigyan mo ng pakpak itong aking diwaat ako’y lilipad hanggang kay Bathala…Maiisipan ko’y mga malikmatangsukat ikalugod ng tao sa lupa;malikikha ko rin ang mga hiwaga,sa buhay ng tao’y magiging biyaya. Ano ba ang sagwang sabay sa pagtahakkundi siyang pakpak ng bangka sa dagat?Ano ba ang kamay ng taong namulatkundi siyang pakpak ng kanyang panghawak?Ano ba ang dahon ng mga bulaklakkung hindi pakpak din panakip ng dilag? Ang lahat ng bagay, may pakpak na lihim,pakpak na nag-akyat sa ating layunin,pakpak ang nagtaas ng gintong mithiin,pakpak ang nagbigay ng ilaw sa atin, pakpak ang naghatid sa tao sa hangin, at pakpak din naman ang taklob sa libing. Bigyan mo ng pakpak itong aking diwa,at magagawa ko ang magandang tula;bigyan mo ng pakpak tanang panukala’tmalilipad ko hanggang sa magawa;bigyan mo ng pakpak ang ating adhika,kahit na pigilan ay makakawala… O ibon ng diwa, ikaw ay lumipad,tingnan mo ang langit, ang dilim, ang ulap,buksan mo ang pinto ng natagong sinag,at iyong pawalan ang gintong liwanag,na sa aming laya ay magpapasikatat sa inang bayan ay magpapaalpas.

  • #77586


    ~ena~
    Participant

    two thumbs up thanks for sharing.

  • #77585


    Josee
    Participant

    SA AKING MGA KABABAYAN AT MINAMAHAL NA BICOL
    Isang taon, Nasa tuktok tayo ng mga alon. Isang taon sa ilalim tayo Ng mga agos.Isang taon ay kasama Natin ang unos at daluyong, kasama ang bahang umanod sa ating pangamba at takot. Sa mga tuyot na tinig, sa mga talata ng ating mga nasa, sa sabik ng mga gabing ayaw matulog, at lambing ng mga dis-oras ng dilim na ayaw maantok.
    Sa pagitan, naalala ko kayo tulad ng isang tula, Na minsan namahay ang pag-ibig sa pagitan ng mga bantas at tugma, At mga putol-putol na linya. Nanalangin akong maging ambon ang ulan Habang pinagmamasdan ang ulap ng umaga at tinititigan ang talang pinaliliwanag ang dilimpara ikumpara sa inyo pares na walang kapares, bukod-tangi.
    Pag-Ibig ang alaala ng Bicol, tulad ng alaala ng kamusmusan, sa mga bakas nito sumisibol ang bulaklak ng kaligayahan; Dito nahihimbing ang buong nakaraan at nababanaagan ang isang hinaharap. Dito Inukit ang gunita ng isang minamahal gaya ng hininga sa mahalimuyak na simoy ng hangin, ang awit sa mga bulong, Ang mga ngiti sa bahaghari ng langit, o ng mga buntung-hininga sa magulong halinghing ng hangin sa gabi.
    Salamat Bicol pinatibay mo ako sa digmaang dumadaloy bawat araw-gabi ng buhay ko. Pinalalaya mo tulad ng hamog na nagliliwanag sa dahon, bumabagtas sa mga guhit ng mayaman mong pagsuyo.Balang araw nais kitang makapiling muli hanggang madaling-araw, hanggang batiin ng hamog ng halik ang bintana.habang umaawit ang ulan, habang nakakapawis ang yakap ng araw, habang nagmamatyag ang buwan.nais kitang igawa ng maraming tula hangang nandyan ka at ako’y gising pa sa aking kamalayan,habang naaalala ko pa ang ganitong pagnanasa.
    ——————————–
    My childhood was so much of fun in Bicol. I vividly remember those rainy days, when I hugged my mother tightly during sleeping listening to all the stories told by her. Now, I have a house here, but then it is just a house, not a home. My parents are pretty far away from me now. I have a cell phone to talk to them everyday, but then I really miss those dinners which I had with my family everyday. I could afford to taste the different cuisines these days, but the best of food there, lack the love and affection which is present in the food prepared by my mother.
    One day i will go back home to my beloved BICOL.

Viewing 7 posts - 1 through 7 (of 7 total)

You must be logged in to reply to this topic.