This topic contains 2 replies, has 3 voices, and was last updated by r 12 years, 6 months ago.
-
AuthorPosts
-
November 23, 2010 at 4:37 PM #143533
Share ko lang ang aking nalaman through a Program na aking sinusubaybayan. Halos karamihan ng mga probinsiya na rice farming ay pinahihirapan ng mga treaders. Ang seste ay pauutangin ng mga treaders ang mga farmers para gastosin sa mga farm inputs. Pag dating ng anihan, palay ang ibabayad ng farmers sa treaders, ayon sa diktang presyo ng traders. Madalas binarat ng traders ang palay ng farmers, ang resulta ay kung minsan kulang pang pangbayad ang kanilang naani at kung sapat man ay halos wala nang natirang palay para sa familya ng farmers. Ang masama pa dito, mukhang tahimik ang NFA sa karaingan ng mga farmers. Malaki ang hinala ng mga farmers na may nangyayaring pagkakaigihan ng NFA at Rice Traders….Mabalos.
-
November 20, 2010 at 11:07 PM #143489
Hindi maganda ang kalagayan ng mga magsasaka dito sa bayan ng father ko, sa Santiago City sa Isabela, nasalanta ng mga pagbaha ang mga mga palayan, yong mga may nailigtas naibinta nila ang kanilang palay ng napakababa as low as P5.00/kilo dahil hindi gaanong napatuyo. Binarat ng mga traders. Sabi ng mga tiyohin kong mga magsasaka, wala raw naitutulong ang goberno sa kanila. Pinababayaan lang ng NFA at LGU na paglaruan ng mga traders ang mga magsasaka. Diyan man sa Lupi, Cam Sur, dae ko masyadong aram, nandiyan ako noong bago pa mageleksyon at mukhang wala naman silang problema noon sa kanilang pagsasaka. Aywan ko lang ngayon.
-
November 20, 2010 at 7:35 PM #143488
Maraming magsasaka (rice farmers in particular) sa Pilipinas ang nagkakaroon ng malalang problema sa pag sasaka at sa kanilang kabuhayan. Sabi ng iba, lalo raw lumalala ang kanilang kahirapan sa bagong administrasyon.Sa atin pong bayan or probensiya na sakop ng Region 5, ano po ang kalagayan ng kabuhayan ng ating mga kababayang magsasaka? May tulong or guidance bang natatanggap mula sa goberno?
-
AuthorPosts
You must be logged in to reply to this topic.