PARA SAYO: HABANG GISING ANG GABI

This topic contains 7 replies, has 5 voices, and was last updated by  BAGZ 14 years, 11 months ago.

Viewing 8 posts - 1 through 8 (of 8 total)
  • Author
    Posts
  • #104481


    BAGZ
    Participant

    manoy josee post ko lang dito ha …
    PAYASONG WALANG TUWA
    tinakda ng pusong maligalig isang takot na tila hawig sa nag lalarong payaso mukhay mala nyebeng anyotinatakpan ang totoong kulay ang dakilang paglalarawan sa luha at tuwa…nakakatuwa bang pagmasdan na ang tulad nilang binabato ng sinuman na kahit sa sinapit tumatawa parin at ikubli ang takot at pag aalinlangan …..sa pagbaba ng telon ay tulad ng isang alon na humahampas sa kanilang mukha ang dinaanan ng luha …humikbi man ang pusotuloy pa rin ang palabas ng payasong walang tuwa…

  • #102783


    BAGZ
    Participant

    @whoa … im here sa thread ni josee sa idol ko ….

  • #102747


    Chozene
    Participant

    Hi! Lyn, (thanks mabuti din) ang bilis ng panahon. Ano ang iluluto mo sa Pasko?
    Merry Christmas! God bless.

  • #102741


    Lyn
    Participant

    Makiagi lang po!
    hinahabol ko si Manay Chozene, Hi! kumusta kana?!

  • #101172


    Chozene
    Participant

    Hali ine na tubi sa Sn. Benon dide lang si manay mosa pangpang masikop san para buso. Himoon mo ako na ninang!

  • #101157


    :
    Participant

    Josee…. sanamadalas kang lasing… ang bangis mo talaga!

  • #101144


    BAGZ
    Participant

    @josee
    ako sanay magkukubli para limutin ang kahapon,pero sa aking paglalayag nasilayan ko ang iyong sulat (tula) tunayna kahanga-hanga ang iyong mga akda… sa simula paman, ako’y nabighani sa bawat salita na iyong binibitawan …. ang aking kaluluwa ay sumisigaw dahil ito ay halaw sa aking pusong dakila ….
    tunay nga na ang kahapon ay di tulad ng panaginip na sa pag gising ito’y mawawala , pero ito’y gigising sa ating pagkahimbing …
    tinutukoy ang kahit na anong antas ng kalungkutan sa pag iisa …pero ito’y mas lalong tumutugma sa tunay at wagas na pag-ibig…

  • #101128


    Josee
    Participant

    Nakalalasing ang pag-iisa habang Ipinagluksa ang sariling kamatayanIsang lagok, Dalawa at marami pang isa; Katagay ko ang sarili habang walang patid sa paghithit-buga ng sama ng loob. At sa bawat straight shot ay lasang-lasa pa rin ng dila ang tapang ng katotohanan kahit sabihing may chaser pa; ramdam kong gumuguhit sa lalamunan ang init ng mga tagpong nag-iwan ng puwang sa pagitan natin. Maya-maya’y sasanib na ang espiritu ng kapanglawan,lalanguin ang balisang isip hanggang tuluyang manghina ang lahat ng kalamnan ng katawan at tuluyang sumuka at magkalat ng hinagpis sa unan. Nakalalasing din pala ang pag-iisa lalo’t ako rin ang tumatagay at tinatagayan ng alak ng nakaraan. Makakailang round pa kaya ako nito gayong di ko naman matantiya kung ilang case pa ba ng mapapait na gunita ang ilalatag sa aking mesa na dapat kong itumba gabi-gabi?
    Ngunit paano iilap ang Pag-iisa? Mula pagputok ng liwanag hanggang ang mga bituin ay mamanaag, ako’y nakatitig sa mga bitak at guhit nitong ulyaning dingding ng silid. Ang gabing ito’y kamukha rin ng iba na ayaw kumurap gayong walang nakikita………habang ako’y nasa silid naghihintay ang mga mata na magmulat ang pinto at mang-anyaya. Bagama’t nakalipas na ang mga sandali minumuni pa rin kung ako’y nga ang nagwagi Pinipilit isipin na ang lahat ay wala sa akin bakit hanggang ngayon? nagdurugo pa rin? Buhay na buhay ang alaala ng mga nakaraan.
    Habang gising ang gabi at mapagkunwari ang uyaying kasaliw ng mga multong ako rin ang may gawa. Tulad ng karimlan, binabalot ako ng mga tanong sa maaaring kahinatnan. May paninimdim sa bawat hugot ng buntong hininga subali’t pinipilit palitan ng halakhak habang kahalukipkip ang gabi. Hindi ko bubuklatin ang huling pahina ng iyong kasaysayan, Dahil ilalaan ko ang aking mga titig sa iyong paglalayag. Hindi ko tatapunan ng sulyap ang pabalat ng iyong kasaysayan Upang manatiling sabik ang aking sariling iba ka sa lahat. Hindi ko ipakikita kanino man ni isang titik nang pinilas Mong pahina, upang walang makabatid na wala kang tuldok.
    Hahayaan kong isilang ako sa sinapupunan ng hangin mananatiling nakatikom ang aklat ng aking kasaysayan, susugal ako para sa aking nararamdaman. Hindi ikaw ang unang nanghimasok sa aking kaharian, Na pinag-alayan ng panahon, pagpapahalaga at pagkakaibigan. Kung maglakad man ako sa kawalan ng dilim, Pintig lang ng puso ko ang gusto kong tanungin. Ipinagkanulo man ako ng sariling damdamin, o itatwa ng balingkinitang magdamag na walang tulog, bubuklatin kong lahat ang bintana sa banig ng tubig At bigyang daang makalipad ang talinghaga ng daigdig. Darating ang isang pagkakataon na aking babakahin ang mga luhang kikitil sa kaligayahan. Ako’y papasok sa isang saligutgot na daigdig ng kawalang malay; Upang tungkabin ang aking ulirat. Ulirat ng kahapon na susubok ng aking katatagan sa buhay.
    Paano Nga Ba kita minahal? Kahit sa unang pag-ibig pa lang ay tinangka ko ng ipaliwanag kong paano nga bang magmahal ng walang katimbang? Ano ang bibigat sa lampas-taong pag-ibig, Na kung pumilat ng dibdib ay malalim pa sa laman? Anong uri ang magmamahal ng bawat kong bahagi Na hindi lang mata, bibig, binti at labi ang aangkinin? Hinahanap ko nang masigasig sa lahat ng panahon Ang damdaming sasapat kung mayroon nga’y ano’ng anyo? Ano ang hahaba sa paghihintay sa walang katiyakan? Paano nga ba magmamahal sa mukhang walang pangalan? Iibigin kita hanggang sa muling pagkikita, hanggang sa muling walang katiyakan–buong rangal kong sasabihin kung paano kitang minamahal:
    –Walang pagpipili, walang pagtatangi…,walang hangganan, Kahit na ano pa ang kalagayan. Dakila, tunay, pospos at dalisay, Hindi kayang baguhin kahit ng kamatayan. Maunawain at di makasarili Puno ng pag-asa at walang paaalam.
    Ganyan kita inibig sa isang proseso ng pagsuko at pag-asa na marahil darating ang panahon Kapag puspos ng espiritu ang puso, kailangan itong sumunod. Sapagkat magingsa karimlan ng gabi, isang dugtungan ng tanikala ang nananatili, at isang ilaw na hindi mawawalan ng liwanag. Habang ang araw ay lumulubog, Kahanga-hanga ang pusomong dalisay at walang-malay.
    –Sabog na naman si Josee…kailangang tumula, espiritu’y dapat kumawala. Dec 1, 2008.

Viewing 8 posts - 1 through 8 (of 8 total)

You must be logged in to reply to this topic.